Publications of the University of Bohol
Not a member yet
191 research outputs found
Sort by
Association Between Religious Index and Risky Non-Sexual Behaviors Among Adolescents Of The University of Bohol
This study examines the link between religious index and risky non-sexual behaviors among adolescents at the University of Bohol in the Philippines. Data were gathered using a quantitative correlational research approach, with modified questionnaires measuring demographic information, religious practices, and risky non-sexual behaviors such as smoking, drinking, and substance misuse. Pearson correlation coefficients were used to investigate the correlation between the Religious Practice Index and risky non-sexual behaviors in a sample of 378 respondents. The study found a significant inverse correlation between religious practice and both smoking and alcohol intake, implying that higher religiosity is connected with healthier lifestyle choices. Notably, no significant association was identified between religious practice and drug use, implying that religiosity\u27s protective benefits may differ depending on behavior. Furthermore, the effect of living arrangements on teenage risky behaviors was highlighted, with those who lived with their parents having lower rates of substance abuse. These findings highlight the relevance of promoting religious engagement as a potential protective factor in reducing risky non-sexual behaviors among adolescents
Modyular na Pagtuturo at Akademik Performans ng mga Mag-Aaral sa Filipino 10, Pampublikong Paaralan, Distrito ng Catigbian, Bohol
Ang pag-aaral na ito ay may pangunahing layunin na suriin ang antas ng kahusayan ng modyular na pagtuturo batay sa persepsyon ng mga mag-aaral sa Filipino 10 at sukatin ang kanilang akademikong performans sa asignaturang ito sa Distrito ng Catigbian, Bohol, Taong Panuruan 2021–2022. Gamit ang Transactional Distance Theory (1997) bilang batayan, sinuri ang kahusayan ng modyular na pagtuturo sa apat na dimensyon: Nilalaman ng Module, Gabay sa Pagtuturo, Gabay sa Pagkatuto, at Pagtataya at Feedback. Ang pag-aaral ay binuo ng 192 respondente na napili sa pamamagitan ng random sampling. Natuklasan sa pamamagitan ng weighted mean na may positibong pananaw ang mga mag-aaral sa kahusayan ng modyular na pagtuturo, na may grand mean na 4.26, na itinuturing na “napakataas.” Gayunpaman, mababa ang akademikong performans ng mga mag-aaral sa Filipino 10, na may average iskor na 35.03 sa dalawang pagtataya, na nagpapahiwatig ng ilang hamon sa aktwal na pagkatuto. Ang mga resulta ay nagpakita ng makabuluhang ugnayan sa pagitan ng edad at akademikong performans, samantalang walang epekto ang kasarian sa akademikong resulta. Walang makabuluhang pagkakaiba sa persepsyon at akademik performans sa pagitan ng mga lalake at babae, at magkatulad ang kanilang resulta sa una at ikalawang pagtataya. Ang mga natuklasan ay nagpapakita ng pangangailangan para sa mga guro na magpatupad ng mas masusing gabay at alternatibong istratehiya sa pagtuturo upang matiyak ang epektibong paggamit ng mga module. Iminumungkahi rin ng pag-aaral ang pagrepaso sa mga nilalaman ng module at pagpapabuti ng feedback at interbensyon sa pagkatuto, na maaaring magdulot ng pagtaas sa akademikong performans ng mga mag-aaral sa Filipino 10
Kasanayang Pampagkatuto at Akademik Performans ng mga Mag-aaral ng Filipino 11 sa Ikatlong Distrito ng Carmen, Bohol: Mungkahing Palatuntunang Panlunas
Ang kasanayang pampagkatuto ay isang kasanayan o kakayahan sa pagsasagawa na kinakailangan sa pag-aaral ng isang tao. Ang kasanayang ito ay makakamit lamang kapag ang isang indibidwal ay nagpapakita ng kakayahang magsagawa sa isang partikular na gawain. Ang kasanayang pampagkatuto ay pagsukat kung gaano kahusay ang isang indibidwal na maisagawa ang kinakailangan malinang na kasanayan. Ayon sa pag-aaral ni Patrick (2021) na ang mga puwang sa pagkatuto ay tumataas sa paglipas ng panahon kung ang mga mag-aaral ay kulang sa pundasyon sa mga kasanayan para sa kanilang mga pag-unlad. Upang masuri ang mga kasanayang pampagkatuto at akademik performans na nalinang ng mga mag-aaral, nagsagawa ng pilot testing sa isinagawang talatanungan ng mananaliksik sa sampung (10) mag-aaral ng Grade 11 na hindi sakop ng pag-aaral. Pagkatapos ng pilot test analysis, isinagawa ang pag-aaral sa mga kalahok sa paraang pasulit sa una at ikalawang markahan. Ang sample na populasyon ay umabot sa dalawang daan dalawampu’t apat (224) sa tatlong matataas na paaralan na sakop ng Ikatlong Distrito ng Carmen. Bago ang pananaliksik, ang mananaliksik ay humingi ng pahintulot sa mga kalahok at ang datos ay gagamitin lamang sa pananaliksik. Ang resulta ng pag-aaral ay nagpapakita na ang null hypothesis ay hindi tinanggap. Kaya naman, natuklasan na may makabuluhang pagkakaugnay sa kinalabasan ng akademik performans at mga marka ng mag-aaral sa una at ikalawang markahang pasulit. Natuklasan din na may makabuluhang antas ng baryans sa mga kasanayang pampagkatuto batay sa mga domeyn na pag-alala, pag-unawa, paggamit, pagsusuri, pag-eebalweyt, at paglikha
Morpolohikal at Sintaktikal na Pagsusuri sa Awit na Florante At Laura Ni Francisco “Balagtas” Baltazar
Ang wika ay binubuo at nagtataglay ng mga di-matatawarang istruktura at kayarian na siyang nagpapalalim sa pang-unawa at kaalaman ng mga mag-aaral sa mga pangungusap at salita. Napakahalaga ang may sapat na kaalaman sa istruktura ng wika sa pakikisalamuha upang mas mapadali ang pakikipagtalastasan sa kapwa at naiiwasan pa ang di pagkakaunawaan. Kung kaya’t napakahalagang malinang ang mga kakayahan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng guro ng iba’t ibang gawain na may kaugnayan sa panitikan at istrukturang pangmorpolohiya at pansintaksis. Tulad ng iminumungkahi ng mga linggwista, ang paggamit ng wika at panitikan ay nangangailangan ng iba’t ibang kakayahan. Dahil ang pagtuturo ay itinuturing na sining, kinakailangang isagawa ang pagganyak sa masining na paraan. Dahil sa paggamit ng wika nakasalalay ang tagumpay ng kanyang pagiging guro. Kung kaya’t ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay nakasalalay sa kabisaan ng mga estratehiyang gagamitin ng mga guro sa paraang ang mga mag-aaral ay nagagawang maiugnay ang kanilang dating kaalaman sa mga bago nilang natutunan. Bilang isang guro, ang mananaliksik ay nagnanais na makapagbigay ng mga mungkahing gawain sa mga guro na maaaring magamit sa kanilang pagtuturo sa istrukturang panggramatika tulad ng morpolohiya at sintaks. Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang paggawa ng isang pagsusuri sa morpolohiya at sintaksis sa awit na Florante at Laura ni Francisco “Balagtas” Baltazar. Batay sa ginawang pagsusuri natuklasan na ang istrukturang pangmorpolohiya na kadalasang ginamit sa awit na Florante at Laura ni Francisco “Balagtas” Baltazar ayon sa kayarian ng salita ay maylapi at sa pagbabagong morpoponemiko naman ay reduplikasyon. Habang sa istrukturang pansintaksis naman, ang kadalasang ginamit ayon sa kayarian ng pangungusap ay tambalang pangungusap at sa ayos ng pangungusap ay kadalasan nasa di-karaniwang ayos. Samakatuwid, kung ang kabuuan ng pag-aaral ang pag-uusapan, hindi mahirap pag-aralan ang istrukturang pangmorpolohiya at pansintaksis sa wikang Filipino
Makabagong Sistema ng Pamamahala sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Filipino 11 ng Dagohoy National High School, Dagohoy, Bohol
Ang pag-aral na ito ay naglalayong matasa ang kabisaan ng chatbot messenger bilang isang sistema ng pamamahala sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Filipino 11 ng Dagohoy National High School, Dagohoy, Bohol, Ikatlong kwarter ng Taong Panuruan 2022-2023. Ginamit sa pag-aaral na ito ang magkahalong pamamaraang Kwantitatibo at Kwalitatibo. Natuklasan sa pag-aaral na matapos ang im-plementasyon batay sa markang natamo at antas ng masteri, mas nangingibabaw ang performans ng pangkat eksperimental kaysa sa pangkat kinontrol; nararanasan ng mga mag-aaral ang pag-unlad ng kanilang pakikilahok at motibasyon, paglawak ng pagkatutong pangwika, matatag na interaksyong gu-ro-mag-aaral, hitik na bunga ng pagkatuto, at matagumpay na integrasyong teknolohikal; may maka-buluhang pagkakaiba sa pagitan ng pauna at pangwakas na pasulit batay sa performans ng pangkat eskperimental; may makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng pangkat eksperimental at pangkat ki-nontrol batay sa pangwakas na pasulit at mean gain ng markang natamo; may makabuluhan pagkakai-ba sa performans ng mga mag-aaral sa pagitan ng pangkat eksperimental at kinontrol ayon sa antas ng masteri sa mga kasanayang pampagkatuto sa pangwakas na pasulit; walang makabuluhan baryans sa pagitan ng siyam na kasanayang pampagkatuto ayon sa antas ng masteri nito pagkatapos ng imple-mentasyon sa pangkat eksperimental; at walang makabuluhan baryans sa pagitan ng apat na dimensy-on sa antas ng pagtanggap ng sistemang chatbot messenger. Iminumungkahi sa mga mag-aaral na maglaan ng sapat na oras at pagkakataon upang magamit ang chatbot messenger; ang mga guro ay dapat na maging malikhain sa paggamit ng chatbot messenger; itakda ang mga limitasyon sa paggamit ng chatbot messenger sa pagtuturo; maglaan ang paaralan ng pondo at isama ang paggamit ng chatbot messenger sa mga polisiya at programa; at iminumungkahi ang mas malawak na pag-aaral hinggil sa pagtatasa sa kabisaan ng chatbot messenger na sumasaklaw sa iba pang larangan ng pag-aaral o asigna-tura
Isang Pagsusuring Pangnilalaman sa mga Piling Makasaysayang Pelikulang Pilipino: Disenyo ng Aralin
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang mga piling makasaysayang pelikulang Pilipino na nakatuon sa mga tayutay, idyomatikong pahayag, simbolismo, kulturang Pilipino, at mga pagpapahalagang moral. Ang mga pelikulang sinuri ay kinabibilangan ng “Jose Rizal,” “El Presidente,” “Bonifacio: Ang Unang Pangulo,” “Heneral Luna,” at “Goyo: Ang Batang Heneral”. Ang mga natuklasan ay nagbibigay-diin sa paggamit ng masining na wika at simbolismo na sumasalamin sa mahahalagang temang kultural at kasaysayan, pati na rin ang ugnayan ng mga pangyayari sa kasaysayan at kasalukuyang isyu sa Pilipinas. Isang mungkahing disenyo ng aralin ang inihanda upang mapalalim ang pag-unawa at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa mga piling makasaysayang pelikulang Pilipino, na magiging gabay sa pagtuturo ng wika at kasaysayan. Ang pelikulang “Jose Rizal” ay nagtatampok ng limampu’t dalawang tayutay at labing-anim na idyoma tulad ng “balat-kayo” at “matamis na salita.” Ang “El Presidente” ay may labing-anim na tayutay at limang idyoma tulad ng “iharap sa dambana.” Ang “Bonifacio: Ang Unang Pangulo” ay naglalaman ng dalawampu’t walong tayutay at labing-isang idyoma, kabilang ang “walang puso.” Ang “Heneral Luna” ay may apatnapu’t tatlong tayutay at siyam na idyoma, kabilang ang “lumipat ng bakod,” habang ang “Goyo: Ang Batang Heneral” ay may tatlumpu’t pitong tayutay at labingtatlong idyoma tulad ng “malikot ang mata.” Ipinakikita ng pagsusuri na ang tayutay na pagwawangis ang nangibabaw sa bawat pelikula. Kabilang sa mga kilalang simbolismo ang pluma at papel sa “Jose Rizal,” ang nakabaliktad na watawat ng Pilipinas sa “Heneral Luna,” at ang palaspas sa “Goyo: Ang Batang Heneral.” Ipinapakita ng pagsusuri na ang tayutay na pagwawangis ang nangibabaw sa bawat pelikula. Binibigyang-diin din ng pag-aaral ang mga kulturang Pilipino tulad ng matibay na ugnayan sa pamilya, mga kaugaliang panrelihiyon, at paggamit ng mga paggalang na “po” at “opo.” Bukod dito, nangingibabaw ang mga pagpapahalagang moral tulad ng lakas ng loob, integridad, at kabutihan. Binibigyang-diin ng pag-aaral ang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng mga makasaysayang pangyayari na ipinakita sa mga pelikula at sa mga kasalukuyang kaganapan sa Pilipinas, na naglalarawan kung paanong patuloy na sumasalamin at nakakaimpluwensya ang mga makasaysayang kwento sa kontemporaryong lipunang Pilipino. Ang mga piling makasaysayang pelikulang Pilipino ay gumagamit ng matatalinghagang salita, simbolismo, at idyoma upang ipahayag ang mayamang kasaysayan at kultura ng bansa, na nagpapalalim ng pag-unawa at pagpapahalaga ng mga manonood sa mga nakaraang pangyayari at tauhan. Ang mga pelikulang ito ay hindi lamang nagbibigay-aliw kundi nagbibigay-aral at nag-aalok ng inspirasyon na ipinapakita ang patuloy na kahalagahan ng mga makasaysayang kuwento sa paghubog ng kamalayang kultural at pambansang pagkakakilanlan
Awiting Bisaya Sa Musika Ng Pilipinas (Vispop): Isang Mapanghamon Na Paglalakbay Sa Larangan Ng Komunikasyon At Pananaliksik Sa Wika At Kulturang Pilipino
Ang wika ay isang mahalagang instrumento sa pakikipag-ugnayan at pagpapalaganap ng kultura. Kasama ng wika, ang musika ay isang paraan ng pagpapahayag ng damdamin at ideya. Sa pag-usbong ng Visayan Popular (VisPop), isang genre ng musika mula sa Kabisayaan, naging makulay ang pagtangkilik ng kabataan sa mga musikang Bisaya, bagamat mas popular ang banyagang musika. Dito pumapasok ang mahalagang papel ng guro sa pagpapalaganap ng wika at kultura sa pamamagitan ng mga awiting Bisaya. Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng kwalitatibong disenyo at thematic content analysis upang maipakita ang mensahe ng mga piling awiting Bisaya. Napili bilang kalahok ang mga Grade 11 na mag-aaral ng Pres. Carlos P. Garcia Technical Vocational School of Fisheries and Arts. Ang mga awit Bisaya ay may iba’t ibang mensahe tulad ng pag-ibig, pagkabigo, pagmamahal, at pagmamalaki sa pagiging Bisaya. Ipinakita sa mga awit ang malalim na pagpapahalaga sa pamilya, komunidad, at ugnayan ng mga tao. Iminumungkahi ng pag-aaral na isama ang mga awiting Bisaya sa kurikulum ng Komunikasyon at Pananaliksik upang mapalaganap ang pagpapahalaga sa sariling wika at musika ng Pilipinas
Pagsusuring Kritikal sa mga Alamat ng Ikatlong Distrito ng Bohol: Mungkahing Disenyo ng Aralin
Ang isang kritikal na pagsusuri ay isang maikling teksto na naglalayong suriin at timbangin ang isang masining o pang-agham na gawa. Ang mga kritikal na pagsusuri ay mga tala na naglalarawan o nagbubuod sa pangunahing mga katangian ng nilalaman o tema ng akda. Ninais na makamtan ng pag-aaral na ito na malikom ang mga alamat sa bawat lungsod ng ikatlong distrito ng Bohol. Nilayon nitong masuri ang mga ito gamit ang Dimensyon ng Pagkatao at Kulturang Pilipino. Ang pag-aaral na ito ay nilapatan ng kwalitatibong pamamaraan ng pananaliksik. Ginamit sa kwalitatibo ang “content analysis” o pagsusuring pangnilalaman na kung saan ang mga mananaliksik ay nakipagpanayam sa mga taal na kalahok na makapagbibigay ng mga kwentong bayan o alamat na maririnig sa kani-kanilang lungsod. Napag-alaman na ang pisikal na dimensyon ang nakakuha ng may pinakamataas na bilang ng mga nakuhang pagpapahalaga na may bilang na dalawanpu’t lima (25). Sa kabilang banda, ang dimensyong politikal ay nakakuha ng pinakamababang tala ng pagpapahalaga na labindalawa (12). Nakita ang mga sumusunod na kulturang Pilipino na lumutang sa mga alamat ng ikatlong distrito: Pagiging masunurin sa magulang at paggalang sa desisyon ng mga ito; Pagiging magiliw sa mga panauhin; Pagiging totoo sa sarili; Pagkamadasalin at pagkamaka-Diyos; Pagtangkilik sa mga sa supernatural na nilalang; Maimpluwensya ang magulang sa desisyon ng anak; Pagkakaroon ng lakas ng loob; Bayanihan; Paglalakad; Mapagmasid; Pagmamahal sa likas na yaman; Pagkakaroon ng lakas ng loob; Pagkakaroon ng debosyon sa mga santo at santa; at Pagkamadasalin at pagkamaka-Diyos. Ito ay nagdulot ng implikasyon na halos magkapareho ang mga paksa ng alamat tungkol sa pagpapangalan ng lungsod na bunga ng hindi pagkakaunawaan ng magkaibang lahi. May mga lantad at hindi lantad na mga dimensyon sa bawat alamat na sinuri. Naglalaman ang mga ito ng kaalaman na umaayon sa kasaysayan ng lugar kung bakit naging ganito ang pangalan nito sa kasalukuyan. Ang Pisikal na dimensyon ay humakot ng pinakamataas na bilang na namataan sa mga alamat. Ito ay indikasyon na pinahahalagahan ng mga Boholano ang kaanyuan ng isang indibidwal. Ang kaanyuan ang magsasabi sa magiging estado sa komunidad ng isang indibidwal. Ang implikasyon sa kinalabasan ng pag-aaral na ito ay nagbibigay ito ng suporta sa lokal na mga kaalaman sa ating lugar. Pinapalakas nito ang pagbabahagi ng kasaysayan na hango pa noong unang panahon
Morpo-sintaktika at Pangnilalaman na Pagsusuri sa Sarsuwelang “Walang Sugat” ni Severino Reyes
Ang wikang Filipino ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino at kumakatawan sa kultura, tradisyon, at kasaysayan ng bansa. Bilang pagpapahalaga sa wika, mahalagang magkaroon ng mga gawaing nagtataguyod sa paggamit nito. Ang pag-aaral ng mga akda ni Severino Reyes, tulad ng “Walang Sugat,” ay mahalaga dahil sa makasaysayang kontribusyon nito sa panitikan at teatro ng Pilipinas. Ang wika at panitikan ay magkaugnay sapagkat ginagamit ang wika sa paglikha ng panitikan, habang ang panitikan ay nagiging daluyan ng kultura at tradisyon gamit ang wika bilang midyum. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang morpolohiya, sintaktika at pangnilalaman na aspeto ng “Walang Sugat.” Sinuri ang karaniwang kayarian ng salita, pagbabagong morpoponemiko, at aspekto ng pandiwa pati na rin ang ayos, kayarian, at uri ng pangungusap ayon sa tungkulin. Natuklasan sa pagsusuri sa morpolohiya na madalas gamitin ang maylapi, reduplikasyon, at kontemplatibo habang sa sintaksis naman ay di-karaniwan, payak, at paturol ang pangungusap. Nangingibabaw sa akda ang temang pagmamahal sa bayan at sakripisyo, pagpapahalaga sa moralidad, kulturang Pilipino, at katotohanang panlipunan. Ang mga natuklasan ay may implikasyong nagtataguyod ng mas malalim na kasanayan sa wika at panitikan, na maaaring maging gabay sa pagbuo ng mga kagamitang pampagtuturo para sa epektibong pag-aaral ng Filipino
Leadership And Management Styles Through the Lens of Women Managers in Software Companies, Cebu, Philippines
This qualitative research study investigates the leadership and management styles from the perspective of Women Leaders in Software Companies in Cebu Business Park, Cebu, Philippines. This study aims to shed light on the experiences of female executives in the software sector and to pinpoint the elements that contributed to their success. Fifteen female leaders with at least three years of experience in the IT industry were chosen by purposive sampling to participate in the in-depth semi-structured interviews. The data were analyzed using Thematic Analysis and the results showed that Women Managers in Cebu’s Software Firms displayed a variety of leadership and management styles including democratic, paternalistic, authoritative, and laissez-faire management styles. The study also considered that the participants dealt with difficulties in their employment which included lack of work-life balance, career advancement issues, health concerns from work stressors, lack of support networks, and gender bias. Results of this study may help address these challenges in Software Companies by guiding the creation of leadership development programs and support groups, enhancing flexible work arrangements, programs to address gender bias against women, and other initiatives specific for the women leaders in Cebu Business Park. This study shows the need for more research on the leadership in this profession and help understand the experiences and leadership by the women leaders in the IT industry