Publications of the University of Bohol
Not a member yet
    191 research outputs found

    Mga Salik na Nakaaapekto sa Antas ng Komprehensyon at Akademik Performans sa mga Mag-Aaral ng Filipino 10 Unang Distrito ng Consolacion, Lunsod ng Cebu: Kaparaanang Pampagpabuti

    Get PDF
    Ang pag-aaral na ito ay sumasaliksik sa masalimuot na ugnayan sa pagitan ng edad, kasarian, antas ng pang-unawa, at pagganap sa akademiko ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagsusuri ng data mula sa 230 mga kalahok, natuklasan ang mahahalagang kaalaman. Habang ang edad ay hindi nagpapakita ng tuwirang ugnayan sa antas ng pang-unawa, ang kasarian ay lumutang bilang isang mahalagang salik, kung saan ang mga babae ay nagpapakita ng kakaibang mas mataas na antas ng pang-unawa. Gayunpaman, walang makabuluhang ugnayan ang edad o kasarian sa pagganap sa akademiko. Isang nakababahalang takbo ang lumutang kung saan ang karamihan sa mga mag-aaral ay hindi nakakamit ang inaasahang antas ng pagganap sa akademiko, na nagpapahiwatig ng agarang pangangailangan para sa pagpapabuti. Natukoy ang iba’t ibang mga salik na nakakaapekto sa pang-unawa at pagganap, tulad ng tradisyonal na mga mapagkukunan ng edukasyon at online na mga tool, kung saan ang online na mga tool ay lalong nagpapahirap sa parehong aspeto. Ang mga alalahanin na ito ay salamin ng pananaw ng mga guro, na nagpapahayag ng katulad na mga negatibong epekto. Sa kabuuan, binibigyang-diin ng pag-aaral ang mahalagang papel ng pang-unawa sa pag-abot sa tagumpay sa akademiko at nag-aalok ng serye ng mga rekomendasyon. Kabilang dito ang pagpapatibay ng kasanayan sa pagbasa sa pamamagitan ng mga espesyalisadong estratehiya sa pagtuturo, pag-address sa pangangailangan para sa pagpapabuti sa pagganap sa akademiko, pagsusulong ng balanseng paggamit ng mga kagamitang pang-edukasyon, at pagsasaayos sa ugnayan sa pagitan ng antas ng pang-unawa at pagganap sa akademiko. Ang pagpapatupad ng mga rekomendasyon na ito ay nagpapangakong magpatibay sa larangan ng edukasyon at magbigay ng mahalagang suporta sa mga mag-aaral sa kanilang mga pagpupunyagi sa akademiko.

    Kabisaan ng Dulog Eksperyensyal sa Pagtuturo ng Gramatika sa mga Mag-Aaral ng Filipino 11 ng Pamantasan ng Bohol

    Get PDF
    Nilalayon ng pag-aaral na ito ang masukat ang kabisaan ng dulog eksperyensyal sa pagtuturo ng gramatika sa mga mag-aaral ng Filipino 11 ng Senior High School ng Pamantasan ng Bohol, Siyudad ng Tagbilaran, Bohol, Unang Semestre, Taong Panuruan 2019-2020: Mungkahing Kaparaanang Pampagpabuti. Ang pag-aaral na ito ay naihahanay sa eksperimental na pananaliksik at sa pagsusuri ng dokumento na ginamitan ng dalawang pamamaraan sa pagtuturo, ang Tradisyunal at ang Cross-Age Peer Tutoring. Sa pagsusuri ng mga datos ginamit ang sumusunod na istatistikal na pormula: simple percentage, arithmetic mean, t-test, Pearson Product Moment Coefficient of Correlation at One-way ANOVA. Sa katiyakan, nilalayong makuha ang propayl ng mga piling mag-aaral sa STEM Filipino 11 batay sa kasarian at akademik perpormans, antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa gramatikang Filipino ng pangkat Tradisyunal at pangkat Eksperimental batay sa apat na komponent sa kakayahang gramatika at ang maimumungkahing kaparaanang pampagpabuti. Batay sa ginawang masusing pagsusuri, napag-alaman ng mananaliksik na mayroong makabuluhang antas ng pagkakaiba sa pagitan ng Pre-Test at Post-Test ng pangkat Tradisyunal at pangkat Eksperimental. Sa nabuong kongklusyon, mas mabisa ang tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo ng gramatikang Filipino. Ito ay nangangahulugan na naging epektibo ang pagtalakay ng guro sa pagkatuto ng mga mag-aaral

    Pagsusuring Pangnilalaman sa mga Piling Awitin ni Max Surban:  Mungkahing Gabay ng Pagtuturo

    Get PDF
    Naglalayon ang pag-aaral na ito na masuri ang mga piling awitin ni Max Surban ayon sa sumusunod: genre, makabuluhang tampok batay sa tema, mga nangingibabaw na pagpapahalagang pantao batay sa pitong dimensyon nito at ang implikasyon ng paggamit ng mga lokal na awitin sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Gumamit ang pag-aaral ng kwalitatibong pamamaraan, partikular ang pagsasagawa ng pagsusuring pangnilalaman (content analysis), sa labinlimang (15) piling awitin ni Max Surban na naging popular sa mga taong 1976-2015 na kakikitaan ng kultural na aspeto ng lahing Pilipino. Ang mga nasuring piling awitin ni Max Surban ay karaniwang napabibilang sa mga genre na Popular (Novelty) at Country (Folk Music). Taglay ng mga awitin ang simpleng melodya at ritmikong tularan na nagbibigay nito ng katangiang pang-masa, at nagsasalaysay sa pabirong pamamaraan dahil sa taglay nitong komedya. Maliban dito, kakikitaan din ang nilalaman ng mga awitin ng paniniwala, kaugalian at pamumuhay ng lahing Pilipino. Taglay ng mga awitin ang makabuluhang tampok batay sa mga temang umiikot sa mayamang kultura ng mga Pilipino kagaya ng tradisyon, paniniwala, pagdiriwang, kaugalian, natatanging pagpapahalaga at kasaysayan ng lahi. Ang nangingibabaw na dimensyong pantao sa mga piling awitin ni Max Surban ay ang politikal – pagpapahalaga sa pamanang kultura. Makikita rin sa iilang awitin ang mayamang kasaysayan ng bansa at impluwensiya ng mga dayuhang mananakop sa mga kaugalian ng mga Pilipino na kanilang tinatangkilik pa rin sa kasalukuyan. Ang integrasyon ng mga awiting lokal bilang kagamitang pampagtuturo sa loob ng paaralan na kinapapalooban ng kaalamang kultural na magbibigay ng mga karanasang pampagkatuto sa mga mag-aaral na magdudulot ng mas personal, kawili-wili at makabuluhang proseso ng pagtuturo at pagkatuto.

    The Effect of Digital Advertising of Real Estate Firms on Consumers’ Buying Decision in Tagbilaran City, Bohol

    Get PDF
    This study focuses on the effect of digital advertising of real estate firms on consumers\u27 buying decisions. Two hundred potential residential real estate buyers in Tagbilaran City, Bohol, were randomly chosen using the Cochran sampling method. To gather the needed data, the researchers used a quantitative survey method, in which they distributed the modified survey questionnaires to the respondents in the said area. The method is appropriate to determine the Effect of Digital Advertising of Real Estate Firms on Consumers\u27 Buying Decision in Tagbilaran City, Bohol. The study revealed that the digital advertising of real estate firms has positively and significantly influenced consumers\u27 buying decisions towards buying products. Real estate companies effectively utilize the source, message, and channel factors in advertising and significantly and positively impact consumers\u27 buying decisions. While other demographic characteristics do not significantly alter the effectiveness of digital advertising, the source of income does, indicating the need for targeted strategies based on financial stability and income sources. The researchers recommend that real estate firms continue investing in digital advertising, leveraging multiple channels, and tailoring messages to maximize impact while considering the diversity in income sources of potential buyers when designing and targeting their digital marketing campaign

    Kabutihang Naidulot at Suliraning Natamo sa Paggamit ng Social Media ng mga Mag-aaral Sa Filipino 8, Ikatlong Distrito ng Ubay, Bohol

    Get PDF
    Sa modernong panahon, maraming kabataan ang nahuhumaling sa iba’t ibang uri ng social media tulad ng Facebook, Twitter, at Instagram. Bilang guro, ninais ng mananaliksik na masuri ang mga kabutihan at suliraning dulot ng paggamit ng social media sa mga mag-aaral ng ikawalong baitang sa Filipino sa Distrito ng Ubay. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa gamit ang disenyo ng kwantitatibong pananaliksik, na may 185 na mga respondente mula sa limang mataas na paaralan sa Ikatlong Distrito ng Ubay para sa taong panuruan 2022–2023. Natukoy sa tulong ng weighted mean na nasa katamtamang antas ang paggamit ng social media ng mga mag-aaral. Ayon sa mga resulta, positibong nakakatulong ang social media sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Filipino, lalo na sa pagpapalawak ng bokabularyo at pag-unawa sa mga aralin. Gayunpaman, may mga suliraning dulot ang madalas na paggamit nito, tulad ng pagkadistrak mula sa pag-aaral at pagbaba ng atensyon. Sa pagsusuri gamit ang Spearman’s rho at chi-square, natukoy na may makabuluhang kaugnayan ang kasarian sa paraan ng paggamit ng social media, samantalang walang kaugnayan ang edad sa kabutihang naidudulot at mga suliraning natamo mula rito. Bukod dito, natuklasan sa t-test na may kaibahan sa kasarian sa paraan ng paggamit ng social media, kung saan mas madalas ang mga lalaki na gumamit nito para sa libangan kaysa sa pagkatuto. Samantalang pareho ang antas ng kabutihang naidudulot at mga suliraning nararanasan sa paggamit ng social media ng parehong kasarian. Ipinapakita ng pag-aaral na ang paggamit ng social media ay may potensyal sa pagpapabuti ng kasanayan sa asignaturang Filipino kung gagamitin ito nang maayos. Ang pag-aaral na ito ay nagmumungkahi ng mas matalinong pagpapasya sa paggamit ng social media, na maaaring maging instrumento sa mas mahusay na pagkatuto. Ipinapayo rin ang mga estratehiya upang mas epektibong magamit ang social media sa mga gawaing pampagkatuto ng mga mag-aaral sa Filipino

    The Attrition and Migration of Bohol Association of Catholic Schools Teachers of The Diocese of Tagbilaran

    Get PDF
    Teacher attrition and migration are common occurrences in educational institutions worldwide. Many people will move jobs within their chosen profession or even leave that profession entirely during their professional lives. When teachers move between schools, it is called migration, and when they leave the teaching profession, the term is attrition. The main thrust of the study is to explore the reasons for teacher attrition and migration among the Bohol Association of Catholic Schools of the Diocese of Tagbilaran as they attrit to other organizations or migrated from teaching in private to public school institutions. The study employed a qualitative approach and the five OECD evaluation criteria to gather data to solve the research topics. The study was conducted in the selected member schools of the Bohol Association of Catholic Schools of the Diocese of Tagbilaran. The study identified the informants\u27 schools where the teacher-respondents previously taught and likewise identified the public schools and other organizations where the teachers attrit and migrated. The teacher-informants themed their reasons for attrition and migration into three, and these are personal motive, financial motive, and future motive. The majority of the five teacher-informants interviewed regarding the reasons for their attrition cited personal motives as the primary cause while four teacher-informants agreed that the financial motive is the main reason they migrated to public school. In terms of relevance, they all feel the relevance of the programs, policies, and benefits from their current past and current organizations.

    Knowledge, Attitude, And Practices on Gender EqualityAmong Public Senior High School Students

    Get PDF
    Gender equality refers to men and women having equal rights, opportunities, and duties in the family and society. The purpose of this study is to ascertain the connection between knowledge, attitude, and practices (KAP) of gender equality with each other. The study was conducted on 17 schools in BuenTaGe, Sub-Congressional District, Bohol, Philippines. The study surveyed 360 out of 5,427 senior high students in BuenTaGe. It shows that the respondents are highly knowledgeable and have a highly positive attitude and practices toward gender equality. The age and grade level of the respondents have no significant relationship with their KAP of gender equality; sex has a significant relationship with the respondents\u27 KAP on gender equality.  The study concluded that the level of knowledge is moderately correlated with the attitude and practices and that the attitude toward gender equality is strongly correlated to the practices. It also concluded that there is a significant difference between the sexes concerning the level of KAP on gender equality. It concluded that the grade level of the students has a significant difference in their level of knowledge and no significant difference in the attitude and practices on gender equality

    Penomenolohiya sa Lakbay-Pagkatuto ng mga Nakapagtapos sa Master of Arts in Teaching Filipino, Lalawigan ng Bohol

    Get PDF
    Napapaloob sa mala-kapsulang deskriptor 7 ang mga pamantayang ipinatupad ng Commission on Higher Education para sa mga paaralang gradwado sa programang masteral lalo na ang pamantayang mas maunlad na kaalaman at kasanayan at pagkatutong panghabambuhay. Sa pagsasaalang-alang ng nabanggit na pamantayan, hinahangad ng mananaliksik na masubaybayan ang transpormasyon ng mga mag-aaral sa tulong ng kanilang pag-aaral sa Master of Arts in Teaching Filipino na mahahango sa mga panayam ng 12 mag-aaral na nagtapos sa dalawang pamantasan ng Bohol. Sang-ayon sa teoryang transpormatibong pagkatuto, ang isang propesyonal ay nagkakaroon ng disoryentasyon na nakapag-udyok sa kanya na magsagawa ng masusing paglilimi sa kanyang kaalaman, kasanayan at kaugalian tungo sa pagbuo ng paglalahat. Isinagawa ang pampenomenolohiyang pananaliksik sa layuning matukoy ang transpormasyong naganap kaugnay sa kanilang kaalaman at kasanayan sa tulong ng mga sosyal na konteksto. Mula sa mga tugon ng mga kalahok, masasabing nakatulong sa kanilang transpormasyon ng pagkatao at sa propesyon ang kanilang mga kaalaman at kasanayang pedagohikal, nilalaman ng asignatura, kasanayan sa ika-21 siglo at ang mga sosyal na konteksto katulad ng mga kagamitan at pasilidad, kasamahan at katalakayan, at kurikulum. Kung kaya, masasabing mabuting katuwang man sa lakbay-pagkatuto ng mga mag-aaral ang dalawang pamantasan, nangangailangan pa rin ng transpormatibong kaparaanang pampagpabuti upang matugunan ang iba pang pangangailangan ng mga propesyonal sa kanilang pag-unlad

    Estilo ng Pagkatuto at Antas ng Motibasyon ng mga Mag-aaral na Magtatapos ng Senior High School Sa Distrito ng Sagbayan, Bohol

    Get PDF
    Ang pag-aaral na ito ay sumasaliksik sa masalimuot na ugnayan sa pagitan ng edad, kasarian, antas ng pang-unawa, at pagganap sa akademiko ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagsusuri ng data mula sa 230 mga kalahok, natuklasan ang mahahalagang kaalaman. Habang ang edad ay hindi nagpapakita ng tuwirang ugnayan sa antas ng pang-unawa, ang kasarian ay lumutang bilang isang mahalagang salik, kung saan ang mga babae ay nagpapakita ng kakaibang mas mataas na antas ng pang-unawa. Gayunpaman, walang makabuluhang ugnayan ang edad o kasarian sa pagganap sa akademiko. Isang nakababahalang takbo ang lumutang kung saan ang karamihan sa mga mag-aaral ay hindi nakakamit ang inaasahang antas ng pagganap sa akademiko, na nagpapahiwatig ng agarang pangangailangan para sa pagpapabuti. Natukoy ang iba\u27t ibang mga salik na nakakaapekto sa pang-unawa at pagganap, tulad ng tradisyonal na mga mapagkukunan ng edukasyon at online na mga tool, kung saan ang online na mga tool ay lalong nagpapahirap sa parehong aspeto. Ang mga alalahanin na ito ay salamin ng pananaw ng mga guro, na nagpapahayag ng katulad na mga negatibong epekto. Sa kabuuan, binibigyang-diin ng pag-aaral ang mahalagang papel ng pang-unawa sa pag-abot sa tagumpay sa akademiko at nag-aalok ng serye ng mga rekomendasyon. Kabilang dito ang pagpapatibay ng kasanayan sa pagbasa sa pamamagitan ng mga espesyalisadong estratehiya sa pagtuturo, pag-address sa pangangailangan para sa pagpapabuti sa pagganap sa akademiko, pagsusulong ng balanseng paggamit ng mga kagamitang pang-edukasyon, at pagsasaayos sa ugnayan sa pagitan ng antas ng pang-unawa at pagganap sa akademiko. Ang pagpapatupad ng mga rekomendasyon na ito ay nagpapangakong magpatibay sa larangan ng edukasyon at magbigay ng mahalagang suporta sa mga mag-aaral sa kanilang mga pagpupunyagi sa akademiko

    Guniguni, Damdamin at Simbolismo sa mga Piling Tula ni Jose Corazon de Jesus: Disenyo ng Aralin

    Get PDF
    Ang pag-aaral na ito ay nagsasagawa ng masusing pagsusuri sa mga piniling tula ni Jose Corazon de Jesus, na nakatuon sa ugnayan ng guniguni, damdamin, at simbolismo. Sa kabila ng mga naunang pag-aaral na tumutok sa tematikong nilalaman ng kanyang tula, may kakulangan sa detalyadong pagsusuri ng mga literar na kasangkapan at ang mga implikasyon nito. Layunin ng pananaliksik na ito na mas mapalalim ang pag-unawa sa kasanayan sa tula ni de Jesus at ang kahalagahan nito sa mensaheng tematikal. Ipinapakita ng pag-aaral ang paraan ng paggamit ni de Jesus ng personipikasyon at anthropomorphism upang bigyang-buhay ang mga bagay na walang buhay, na nagdadala ng emosyonal na tugon mula sa mga mambabasa. Binibigyang-diin din nito ang lungkot bilang pangunahing damdamin sa kanyang mga tula, na nag-uugnay sa kanya sa kanyang mambabasa. Bilang karagdagan, sinuri ang simbolikong kahalagahan ng mga pang-araw-araw na bagay sa kanyang mga tula, na nagbibigay ng malalim na kahulugan at lalim sa kanyang mga gawa. Nag-aalok ang pag-aaral ng isang estrukturadong plano ng aralin para sa pagsusuri ng tula, na naglalayong palalimin ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga akda ni de Jesus. Sa pamamagitan ng pagsasama ng guniguni, damdamin, at simbolismo sa kurikulum, maaaring mapalawak ng mga guro ang kaalaman ng mga mag-aaral sa panitikang Pilipino. Sa huli, layon ng pananaliksik na ito na magbigay ng mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa mga tula ni de Jesus, na umaasa na makapagbigay inspirasyon sa mga iskolar, guro, at mambabasa

    185

    full texts

    191

    metadata records
    Updated in last 30 days.
    Publications of the University of Bohol
    Access Repository Dashboard
    Do you manage Open Research Online? Become a CORE Member to access insider analytics, issue reports and manage access to outputs from your repository in the CORE Repository Dashboard! 👇