1,270 research outputs found
Navigating through the Economy in this Pandemic
Speaker: Dr. Alvin P. Ang
This presentation shares the current status of global and local economic conditions. Indicators are pointing to a longer than expected downturn. It attempts to provide an understanding of how to prepare for the possible negative economic impacts of the global crisis.
--
Dr. Alvin P. Ang is a full professor at the Department of Economics. He is the Director of the Ateneo Center for Economic Research and Development (ACERD). His areas of interest are macroeconomics, labor and remittances, public management and competitiveness.https://archium.ateneo.edu/acts-of-magis/1006/thumbnail.jp
Remittance Investment Climate Analysis in Rural Hometowns (RICART), a Philippine-originated mixed methods tool that ascertains the readiness of a rural hometown and her overseas migrants / migrant households to receive investments coming from overseas remittances
With awards funds from the Global Development Network (GDN), Alvin Ang and Jeremaiah Opiniano were able to develop a mixed methods research tool, known as the Remittance Investment Climate Analysis in Rural Hometowns (RICART). The methodology integrated qualitative findings and quantitative results and focused on the rural birthplaces of overseas immigrants. Ang and Opiniano won the 2010 Most Outstanding Award for Research in Development (ORD) in GDN\u27s Global Development Awards and Medals Competition [awarded on 13-15 January 2011 in Bogota, Colombia]
Ang Pag-uulit sa Katutubong Panitikan
May pagpapahalaga ang mga katutubo sa paglikha ng maulit na tunog; na lumalampas sa ginagampanang silbi sa pag-aalaala sa pag-awit ng epiko. Lumalampas sa pagiging kasangkapan sa pagsasaulo ang silbi ng katangian ng pag-uulit. Nais ipanukala ng kasalukuyang pag-aaral ang pag-uulit; hindi lamang bilang katangian ng epiko; kung hindi bilang naglalarawan sa isang sistema ng pag-iisip ng mga katutubo. Nais patunayan na hindi lamang nagsisilbing tayutay ang pag-uulit sa pabigkas na panitikan gayong pangunahing batayan din ang pag-uulit kung papaano inuunawa ng katutubo ang kapaligiran niya. Sisikapin ditong ipaliwanag kung paano nakalilikha ng kahulugan ang ganitong pag-uulit; upang gamitin; sa huli; sa isang teoryang pampanitikan nang sumasalalay sa mga taal na pamantayan
Angiotensin II induces soluble fms-Like tyrosine kinase-1 release via calcineurin signaling pathway in pregnancy
Maternal endothelial dysfunction in preeclampsia is associated with increased soluble fms-like tyrosine kinase-1 (sFlt-1), a circulating antagonist of vascular endothelial growth factor and placental growth factor. Angiotensin II (Ang II) is a potent vasoconstrictor that increases concomitant with sFlt-1 during pregnancy. Therefore, we speculated that Ang II may promote the expression of sFlt-1 in pregnancy. Here we report that infusion of Ang II significantly increases circulating levels of sFlt-1 in pregnant mice, thereby demonstrating that Ang II is a regulator of sFlt-1 secretion in vivo. Furthermore, Ang II stimulated sFlt-1 production in a dose- and time-dependent manner from human villous explants and cultured trophoblasts but not from endothelial cells, suggesting that trophoblasts are the primary source of sFlt-1 during pregnancy. As expected, Ang II-induced sFlt-1 secretion resulted in the inhibition of endothelial cell migration and in vitro tube formation. In vitro and in vivo studies with losartan, small interfering RNA specific for calcineurin and FK506 demonstrated that Ang II-mediated sFlt-1 release was via Ang II type 1 receptor activation and calcineurin signaling, respectively. These findings reveal a previously unrecognized regulatory role for Ang II on sFlt-1 expression in murine and human pregnancy and suggest that elevated sFlt-1 levels in preeclampsia may be caused by a dysregulation of the local renin/angiotensin system
Ang Lansangan Bilang Heterotopia sa Panulaan ni Lumbera
Gagamitin ng papel ang heterotopia ni Michel Foucault upang ipaliwanag kung paano tinatataw ng mga Pilipino ang lansangan, partikular ang kahabaan ng EDSA, bilang mikrokosmo ng kasaysayan at heograpiya ng diskursong sosyo-politikal na pinasok ng administrasyon ng Pangulong Benigno “Pnoy” Aquino III sa paggamit ng slogan na “matuwid na daan.” Ilalapat ang mga prinsipyo ng heterotopia upang basahin ang panulaan ng Pambansang Alagad ng Sining Bienvenido Lumbera (Likhang Dila, Likhang Diwa, 1993; Balaybay: Mga Tulang Lunót at Manibalang, 2002) na tumatalakay sa kasalimuotan ng mekanismo ng pagtuligsa-pagpapasunod ng lansangan. Papansining may tatlong espasyong tinatalakay si Lumbera na itinatakda ng lungsod upang pag-antasin ang mga tao sa lipunan batay sa uri: ang mga barung-barong ng mahihirap, ang mga paupahang kuwarto ng mga gitnanguri, at ang mga mansiyon sa mga pribadong subdibidisyon ng mga mayayaman
Ang Bisa ng Pag-uulit sa Biswal na Naratibo
Isa sa mga pagpapakita ng kultural na karalitaan ng isang bayan ang kakulangan; kung hindi man ay kawalan; ng pakikibahagi ng epikong bayan sa popular na imahinasyon. Ngunit higit pa sa paghugot ng materyal na kultura sa kaban ng panitikang bayan na may panganib na mauwi sa exotisismo at kapitalistang pag-aangkop; nandoon ang etikong responsabilidad ng mga alagad ng sining na makipagtalaban sa kamalayang katutubo. Mula sa ganitong mataimtim na pakikipag-ugnayan; maaaring makatagpo ng mga prinsipyong gagabay sa malikhaing produksiyon na lilikha ng higit na angkop na mga hakbang sa pagpasok ng epikong bayan sa popular na imahinasyon. Iaangat ng papel ang batayang prinsipyo ng pag-uulit; na maoobserbahan sa epikong bayan; upang gawing gabay sa malikhaing produksiyon ng pelikula. Ipapakita kung papaano maaaring iangat ang pag-uulit mula sa pagiging mnemonic device at pagiging tayutay sa loob ng pabigkas na tradisyon patungo sa pagpapahalaga sa mga katangian ng pagsususon-suson; pananalamin at pagkukuwadro sa paglikha ng biswal na naratibo sa pelikula na higit na sikliko kaysa linyal. Gagamiting halimbawa ng papel ang mga pelikulang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa (2011); Debosyon (2013); at An Kubo sa Kawayanan (2016) upang ipakita ang ganitong mga pagtatangka ng manunulat at direktor ng pelikula
Ang Patolohiya ng Espektakulo sa Panahon ng COVID-19
Itatanghal ng papel ang teorya ng espektakulo ni Guy Debord sa pagbasa ng kasalukuyang kalakaran ng pampublikong diskurso bilang diskurso ng mga imahen. Ipaliliwanag kung paano isang metodong patolohiko ang ganitong pagbasa o pagbibigay interpretasyon sa mga imahen bilang sintomas ng higit na malalalim na sakit na panlipunan. Isa itong patolohiya na maiuugat sa mga panulat nina Jose Rizal, Emilio Jacinto, at mga propagandista. Nagpapakita ito ng kolonyal na ugat ng metodong patolohiko na napatitingkad lamang ng kontradiksiyon nito sa karanasan ng pandemya na dulot ng COVID-19 na isang sakit na tumatanggi sa diagnosis. Sa huli, patutunayan ng papel na ang ganitong kolonyal na ugat ng metodong patolohiko na ginagamit natin ngayon sa pampublikong diskurso ang maituturing na isang sanhi ng pagkabalaho ng pampublikong diskurso sa pamamagitan ng pagpapataw ng moral na kategorya sa paghuhusga sa mga imahen
Ang komponent ng Filipino I sa refined secondary education curriculum 2010: Isang pagsusuri ng nilalaman ayon sa kontekstong Pilipino
Ang pag-aaral na ito ay isang pagsusuri ng nilalaman ng kurikulum sa Filipino I ng Refined Secondary Education Curriculum 2010 (RSEC 2010), ang pinakahuling kurikulum na ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon na dinisenyo ayon sa framework na Understanding by Design nina Grant Wiggins at Jay McTighe. Sinuri ng pag-aaral ang (1) utilisasyon ng UbD sa RSEC 2010 Filipino I ayon sa Pilipinolohiya nina Zeus Salazar at Prospero Covar, (2) ang pagkakapili at pagkakaayos ng nilalamang pampanitikan gamit ang Filipinong Pananaw ni Virgilio Almario, at (3) ang pagkakapili at pagkakaayos ng nilalamang pangwika gamit ang Teorya ng Konstruktibismo ni Jerome Bruner. Kuwaliteytib ang dulog na ginamit sa pag-aaral, deskriptib-analitik ang disenyo, mapanuring pananaliksik at analisis ng teksto ang metodo, at ang Kurikulum ng Edukasyong Sekondari 2010 Filipino I ang teksto
Ang komponent ng Filipino I sa refined secondary education curriculum 2010: isang pagsusuri ng nilalaman ayon sa kontekstong Pilipino
Ang pag-aaral na ito ay isang pagsusuri ng nilalaman ng kurikulum sa Filipino I ng Refined Secondary Education Curriculum 2010 (RSEC 2010), ang pinakahuling kurikulum na ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon na dinisenyo ayon sa framework na Understanding by Design nina Grant Wiggins at Jay McTighe. Sinuri ng pag-aaral ang (1) utilisasyon ng UbD sa RSEC 2010 – Filipino I ayon sa Pilipinolohiya nina Zeus Salazar at Prospero Covar, (2) ang pagkakapili at pagkakaayos ng nilalamang pampanitikan gamit ang Filipinong Pananaw ni Virgilio Almario, at (3) ang pagkakapili at pagkakaayos ng nilalamang pangwika gamit ang Teorya ng Konstruktibismo ni Jerome Bruner. Kuwaliteytib ang dulog na ginamit sa pag-aaral, deskriptib-analitik ang disenyo, mapanuring pananaliksik at analisis ng teksto ang metodo, at ang Kurikulum ng Edukasyong Sekondari 2010 – Filipino I ang teksto
Ang Lansangan Bilang Heterotopia sa Panulaan ni Lumbera
Gagamitin ng papel ang heterotopia ni Michel Foucault upang ipaliwanag kung paano tinatataw ng mga Pilipino ang lansangan, partikular ang kahabaan ng EDSA, bilang mikrokosmo ng kasaysayan at heograpiya ng diskursong sosyo-politikal na pinasok ng administrasyon ng Pangulong Benigno “Pnoy” Aquino III sa paggamit ng slogan na “matuwid na daan.” Ilalapat ang mga prinsipyo ng heterotopia upang basahin ang panulaan ng Pambansang Alagad ng Sining Bienvenido Lumbera (Likhang Dila, Likhang Diwa, 1993; Balaybay: Mga Tulang Lunót at Manibalang, 2002) na tumatalakay sa kasalimuotan ng mekanismo ng pagtuligsa-pagpapasunod ng lansangan. Papansining may tatlong espasyong tinatalakay si Lumbera na itinatakda ng lungsod upang pag-antasin ang mga tao sa lipunan batay sa uri: ang mga barung-barong ng mahihirap, ang mga paupahang kuwarto ng mga gitnang- uri, at ang mga mansiyon sa mga pribadong subdibidisyon ng mga mayayaman. (The paper will deploy Michel Foucault’s concept of heterotopia to explain how Filipinos look at the street, particularly the entire length of EDSA, as a microcosm of the history and geography of socio-political discourse that the administration of President Benigno “Pnoy” Aquino III engaged with the use of the slogan “matuwid na daan,” literally “the straight path.” The principle of heterotopia will be used to critically appreciate the poetry of National Artist Bienvenido Lumbera (Likhang Dila, Likhang Diwa, 1993; Balaybay: Mga Tulang Lunót at Manibalang, 2002) which discusses the complex mechanism of the street as an instrument of protest and conformity.The paper observes how Lumbera identifes three kinds of urban spaces that hierarchizes through the category of class: the shanty of the urban poor, the rental apartment of the middle class, and the mansions inside exclusive subidivisions of the upper class.
- …
