Ateneo de Manila University: Journals Online
Not a member yet
    2140 research outputs found

    Enrique de Malacca: Pagsasalin sa Imperyalismong Español

    Full text link
    Habang idiniriin ng karamihan sa mga salaysay hinggil sa pagdating ng mga Español sa ating kapuluan ang naging gampanin ni Ferdinand Magellan, Sebastian Elcano, at ng katutubong datu ng Mactan na si Lapulapu, halos wala pang nababanggit tungkol sa tapat na alipin ni Magellan na si Enrique. Bagamat sa kabila ng kaniyang napakahalagang gampanin sa ekspedisyong Magellan-Elcano at malalim na impluwensiya sa kasaysayan ng Pilipinas, halos gatala lamang ang pansing naipagkaloob kay Enrique sa mga matatagpuang salaysay hinggil sa pangyayaring ito. Sa gayon, sa pamamagitan ng matalik na pagbasa sa mga teksto mula sa arkibo at sa mga pamantayang sangguniang pangkasaysayan na nailimbag, nilalayon ng papel na ito hindi lamang ang pagbibigay ng ilang bago at makatotohanang detalye tungkol kay Enrique kundi pati na rin ang paghahabi ng higit na malawak na kontekstong pangkasaysayan ng pinagsasama-samang mga kultural na abot-tanaw, sa pamamagitan na rin ng kaniyang naging gawain ng pagsasalin

    Aswang ni Rizal

    Full text link
    Gamit ang konsepto ng pharmakon bilang lente, ang sanaysay ay naglalatag ng pagbasa sa “La curacion de los hechizados” ni Jose Rizal at sa mga larawang guhit na katambal ng nasabing artikulo. Iniaalok ang ganitong pagbasa sa lunas na ipinapayo ni Rizal upang mapagkawing ang pagsasangang-diwa ng nasabing lunas bilang lason, sulatin, at sakripisyo. Sa ganitong pagkakawing, nilalayon ng sanaysay na maitampok ang aswang at “pangangaswang” ni Rizal sa kaniyang mahiwagang paksa, at sa ganito’y makapaglatag ng isang diskursong kumikilala sa fokloré bilang bahagi ng madulas at mailap na identipikasyon ng mga Filipino, na pinangangasiwaan subalit sinusupil din sa isang banda, ng medisina, simbahan, at kolonyal na pamahalaan

    Rofel Brion Recalls and Reimagines the Creative Writing Program

    No full text

    Amy Tan: The Bonesetter’s Daughter

    Full text link

    Isang Araw sa Central Park

    No full text

    Para Kay Tito Rofel, Our Family’s First Poet

    No full text

    Assessment of TRAIN’s Coal and Petroleum Excise Taxes: Environmental Benefits and Impacts on Sectoral Employment and Household Welfare

    Full text link
    This study assessed the impact of the first package of the Tax Reform for Acceleration and Inclusion (or TRAIN) Law, which includes an increase in petroleum and coal excise taxes, as passed by Congress in 2017. This study reviewed the context of the energy sector in the country given that petroleum and coal are the largest sources of energy in the country. Using a computable general equilibrium-microsimulation model, it mainly assessed the impact of this increase and of the whole TRAIN 1 package (which includes a reduction in the personal income tax and the broadening of the value added tax). The results from the simulations show that there is a slight adverse output effect for most industries under an increase in petroleum and coal taxes scenario, resulting in a lower level of carbon emissions. There is a slight decline in employment, and poverty incidence increased slightly as excise taxes have an adverse effect in terms of higher commodities prices among the poor

    Mga Pilipino sa Párang: Kalabaw Bilang Pambansang Sagisag ng Paggawa

    Full text link
    Sa sinaunang komunidad, tinitingnan ang kalabaw bilang isang mahalagang salik sa matagumpay na pagsasaka. Itinuturing itong imahen ng kasaganaan hindi lamang dahil sa taglay nitong laki at kalusugan ngunit dahil sa kasipagan nito sa paggawa. Ito ang hayop na maaasahan sa bukid at katuwang ng magsasaka sa paglinang ng kaniyang lupain. Gayunpaman, sa pagdating ng mga mananakop na Español, nagbago ang ganitong pagtingin dahil itinuro sa mga sinaunang Pilipino na ang kalabaw ay isang mangmang at sunod-sunurang hayop lamang sa bukid na pagbubungkal lamang ang nalalaman. Ginagamit na larawan din ang atrasadong kalabaw sa akdang Si Tandang Basio Macunat upang ihalintulad sa mga indio na hindi dapat magkamit ng edukasyon. Ipinakikita ng papel na ito na sinikap baguhin ng mga manunulat at dibuhista ang kolonyal na pagtinging ito sa mga kalabaw gamit din ang mga akdang pampanitikan. Mula sa ipinakilalang pasibong kalabaw ng mga Español, binuhay ng mga makasining ang mga kalabaw na nagagalit, gumaganti, at naghihimagsik. Gayundin, inilalarawan dito ang parehong kalagayan sa paggawa ng mga kalabaw at magsasaka, at kung paanong sinasalamin ng imahen ng kalabaw ang kalagayan ng mga magsasaka sa agrikultural na pamumuhay. Dahil dito, nagkakaroon ng dalawang magkaibang pagturing sa kalabaw bilang pambansang hayop ng Pilipinas. Sa huli, maglalantad ang papel ng mga punto kung paano sinisimbolo ng kalabaw ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino sa industriya ng agrikultura at dualistikong pagtingin sa agrikultural na pamumuhay ng bansa

    Sángkaluntîan: Isáng Tungkós ng Tanagà

    No full text

    Remembering and Re-membering Home: Asynchronicity as Postcolonial Poetics in 21st Century Southeast Asian Diasporic Narratives

    Full text link
    In examining the dialectic between the diasporic subject’s homes—both the absent and adopted home—this monograph maps out the ways through which collective memory and postmemory mediate traumatic experiences of dislocation. The literary and cinematic representations of mobility in Hannah Espia’s film Transit (2013), Clement Baloup’s graphic novel Vietnamese Memories and Lian Gouw’s novel Only a Girl reveal a dual-displacement that characterizes the experience of diasporic mobility in the 21st century—a displacement in both space and time. This dual-displacement, which is a result of the inability to reduce the “many temporalworlds” they live in, that is, “the past of the motherland . . . a present that is often precarious, and an uncertain future,” simultaneously into one, constitutes the migrant’s out-of-sync subjectivity (Köhn 109). This out-of-sync subjectivity is manifested in what I call the poetics of “asynchronicity” that undergirds the narratives of these Southeast Asian—specifically Filipino, Indonesian, and Vietnamese—stories. Asynchronicity, as postcolonial poetics, enables thesetexts to act as counter-memories, offering alternative ways of understanding the migrant’s multi-faceted identity and belonging to place(s) in the world. By compelling readers to remember and to re-member—that is, to engage in a conscious re-building of one’s lifeworld using the bricks of individual memory—new narratives emerge wherein the dislocated subject finds themselves included in a history written on their own terms, one that transcends the colonial grand narratives that have once delimited diasporic identities

    1,071

    full texts

    2,140

    metadata records
    Updated in last 30 days.
    Ateneo de Manila University: Journals Online
    Access Repository Dashboard
    Do you manage Open Research Online? Become a CORE Member to access insider analytics, issue reports and manage access to outputs from your repository in the CORE Repository Dashboard! 👇