Ateneo de Manila University: Journals Online
Not a member yet
2140 research outputs found
Sort by
Walang Himala?: Pagsusuri sa mga Tala ni Pedro Chirino, SJ Tungkol sa mga Himalang Dulot ng Pagbibinyag Noong Ika-16 Hanggang Ika-17 Siglo sa Pilipinas
Sa akdang Relación de las Islas Filipinas, isinalaysay ni Pedro Chirino, SJ ang mga milagrosong pagbibinyag na nakapagpagaling ng mga karamdaman (“medicinal baptism”) ng mga katutubo sa pamamagitan ng hiwaga ng agua bendita. Sinusuri sa sanaysay na ito ang wika ng mga himala na ginamit ni Chirino sa kaniyang mga salaysay. Inilalahad sa sanaysay ang ilang posibleng sanhi ng paggaling ng mga karamdamang binigyang-lunas ng mga misyonerong Heswita, bukod sa tinukoy nilang kapangyarihan ng Diyos at hiwaga ng tubig. Iminumungkahi ng pag-aaral na ang integrasyon ng mga elemento ng dayuhan at katutubong pananampalataya ang nagpatibay ng paniniwala ng mga katutubo na ang kanilang mga sakit ay mabibigyang-lunas o ang kanilang resistensiya ay mapalalakas laban sa mga epidemya at malubhang sakit. Isinisiwalat din sa sanaysay ang kaalaman ng mga misyonero hinggil sa mga halamang-gamot at mga paraan ng paghahanda ng mga ito upang maging gamot para sa mga sakit ng mga katutubo. Tinatalakay rin sa sanaysay ang posibleng kaugnayan ng lubos na pagbibigay-diin ni Chirino sa mga himalang dulot ng pagbibinyag sa apela noon ng mga Heswita sa Pilipinas na itatag at kilalanin na ang bise-probinsiya ng Pilipinas (“Philippine vice-province”) bilang isang hiwalay na probinsiya ng Kapisanan ni Hesus (“full-fledged province of the Society of Jesus”) upang magkaroon sila ng higit na awtonomiya at kapangyarihan sa pangangasiwa ng kanilang mga lugar ng misyon sa Pilipinas
Ang Liminalidad, Bisa at Aliw sa Pagtatanghal ng Salubong ng Aglipayanong Kongregasyon sa Paliparan, Santo Niño, Lungsod ng Marikina
Sa mga pag-aaral ukol sa Simbahang Aglipay o Iglesia Filipina Independiente, karaniwang tinatalakay ang rebolusyonaryo nitong pinagmulan at separatista nitong simulain. Salat ang mga pag-aaral ukol sa mga tiyak na Aglipayanong kongregasyon sa kapuluan, partikular sa patuloy nilang pag-iral sa kontemporanyong panahon sa kanilang mga tiyak na konteksto. Sa talakayang ito, sinuri ang pagdaraos ng prusisyon ng Salubong ng Aglipayanong kongregasyon sa Paliparan, Santo Niño, Lungsod ng Marikina bilang isang pagtatanghal ng dalawang naratibo. Ang una bilang paggunita ng muling pagkabuhay ni Hesukristo na siyang rurok ng pananampalatayang Kristiyano; at ikalawa bilang muling pag-uulit at pag-aangkin ng mga Aglipayanong mananampalataya ng kanilang mga gawi matapos lisanin ang dating lunan ng pagsamba. Sa pagsipat sa mga aspekto ng Bigkis ng Bisa at Aliw mula kay Richard Schechner, hinimay sa pag-aaral na ito ang mga ritwalistiko at teatrikal na katangian ng nasabing pagtatanghal bilang isang proseso–mula sa paghahanda, tungo sa pagganap, at hanggang sa pagwawakas ng Salubong sa Paliparan. Tatlong lunan ng pagtatanghal ang sinuri bilang mga espasyo ng liminalidad sa proseso ng pagtatanghal ng Salubong: ang karo, ang Galilea, at ang ruta ng Salubong. Sa pagkilala sa liminalidad, bisa at aliw sa pagtatanghal ng Salubong ng Aglipayanong Kongregasyon sa Paliparan, lumitaw ang dinamismo ng hiwalay ngunit mahigpit na tirintas ng dalawang naratibong ginugunita, nililikha at pinaninibago ng nasabing komunidad ng mga mananampalataya
Chiron and the Machines of Loving Grace: On Optimism, Pessimism, and Singularity
Singularity has been a concern of the developers of cybernetics and artificial intelligence (AI) since the pioneering writings of such thinkers as Norbert Weiner. Yet many accept the inevitability of systems of AI surpassing human control and are optimistic that machine intelligence will harmonize human life with our environment. This essay examines this optimism against a reading of two poets: Richard Brautigan and Friedrich Hölderlin. Through these readings, it will attempt to show that the eclipse of nature by human beings can be used to examine the eclipse of the human being by machine intelligence. Thus, what is missing in machine intelligence is a dimension related to the experience of pain and joy to reconnect us in a reflective way to what has been severed or lost in the movement of humanity through history. This demonstrates that the very categories of optimism and pessimism concerning the future of AI points to the value of life, one that can never be encoded into our machines
Lifestyle, Values, and the Meaning of Life
There are alternative lifestyles. We choose the one which in our opinion will help us to fulfill our voluntarily chosen purpose or meaning of our life. The paper explores the meaning of “meaning of life.” To understand the notion of meaning of life, I have made an exhaustive and critical survey of the philosophical literature of both Eastern and Western philosophy. I have argued that one finds the meaning of one’s life and fulfills it, if and only if one follows one’s true nature and does not blindly follow what others are doing
The Semantic Metamorphosis of “Evangelization”: Formulating a Definition of Evangelization Based on Action, Content, and Result
Libro a naisurátan: Pagsasalin, Panghihiram, at ang Unang Aklat sa Ilocano
Sa pagbuo ng Libro a naisurátan ámin ti bagás ti Dotrina Cristiana (1620), isang akdang pinagsama ang mga payak na salik ng pananampalatayang Katoliko (iba’t ibang dasal, halimbawa), isang maikling katekismo, at ang Doctrina ng Kardinal Roberto Belarmino, at sa pagsasalin sa mga ito sa Ilocano, kinailangan ng Agustinong si Francisco Lopez ng ilang sanggunian para sa isang sasapat na bokabularyo. Kasama dito ang ilang salitang Ilocano, mga salitang Español na naisakatutubo, at mga hiram na terminong Español na wari walang tumbas sa Ilocano. Marami sa mga gawaing ito ang nagawa na bago pa man dumating si Lopez sa rehiyong Ilocos, dahil na rin naroon na ang mga prayleng Español mula pa noong 1574. Subalit sa sukat na rin ni Lopez, mahalagang maisama, bago pa man ang mismong doktrina, ang glosaryo ng mga salitang kinailangang hiramin (agpabulod). Kakatwa ang listahang ito dahil na rin sa dalawang dahilan. Una, pamilyar ang ilan sa mga salitang ito, tulad na lang ng unang salita sa nasabing listahan, ang libro. Ikalawa, sa kabuoan ng doktrina, may mga salitang halatang kinailangang hiramin, subalit hindi naisama sa glosaryo o naitalang hiniram. Bakit may ganitong hindi pagkakapare-pareho? Mahalagang makita ang pag-akda ni Lopez sa Libro a naisurátan sa konteksto ng mga alituntunin hinggil sa pagsasalin at mga katekismo simula sa Konseho ng Trent at nagpatuloy hanggang sa unang tatlong Konseho sa Mexico (1555, 1565, 1585). Sa gayon, makikita ang isang larawang nagpapakita kay Lopez bilang walang kalayaan o ahensiya na maaaring mapagkamalan sa kaniya. Ipinapakita ng glosaryo na nalimitahan si Lopez sa kaniyang pagsasalin ng mahahalagang kasulatan ng pananampalatayang Katoliko sa Ilocano. Bilang isang prayle, nalimitahan si Lopez ng pangangailangang magkaroon ng pamantayan sa pag-akda ng doktrina, pati na ng kaniyang pangakong pagsunod sa simbahan. Sa huli, ang kinalabasan nito ay ito ngang tinatawag na Libro a naisurátan ámin ti bagás ti Dotrina Cristiana
Nuancing Interdisciplinarity: Between and Beyond Liberal Arts and Professional Education
In an environment of ever-increasing cost of higher education and a precarious economic market, students and families labor over the right “major.” Although many opt for technical and professional training, not a few still advocate for a liberal arts education. In this essay, I argue that interdisciplinarity—or the integration of two or more disciplines—can be present in both liberal arts and professional education although they have differing aims, bases, and means, depending on the general field. Interdisciplinarity in the liberal arts highlights humanistic questions, broad thinking, and understanding the whole. In technical professional education, it emphasizes practical problems, deep thinking, and understanding complexities. Highlighting these differences, however, is done not to separate them but to bridge them and lead to greater appreciation of the unique contribution of an interdisciplinary perspective on both fields of learning. Examples from a Philippine university are used to ground these ideas of distinguishing and connecting interdisciplinarity in liberal arts and professional education