Ateneo de Manila University: Journals Online
Not a member yet
2140 research outputs found
Sort by
A New Way of Being Church: FABC Teachings on Basic Ecclesial Communities
Asian bishops and general AsIPA (Asian Integral Pastoral Approach) assemblies have always insisted that the Asian Church has to be participatory. This is realized through Basic Ecclesial Communities (BECs). BECs encourage lay participation in the life and mission of the Church, particularly in the parishes. BECs have brought a new dimension to the ministry of the Church. They have become a good platform to carry out new ministries. This article presents the teachings of the Asian bishops and the AsIPA in their final statements
Criminology as Epistemic Necropolitics
I argue in this essay that from 1492 to the present, the Global North has used theories of “crime,” its causation and control, as part of a three-pronged epistemic necropolitical attack on the Global South. I suggest that the emergence of critical criminology and its more recent offshoots, given their dependence on the present or hypothetical war making and coercive state, are themselves a part of the problem. I suggest criminology is a Trojan Horse that brings epistemic toxic waste and destruction in the guise of deterministic theories on crime and its control. Like their Inquisitorial predecessors, I suggest criminology and criminologists are clerical dangers that ought to be avoided by the Global South. Alternatively, I point to scholars that have revolted against the criminological plantation to found sovereign epistemic worldviews and communities that resist the epistemic imperialism of the Global North
Ang Sintang Dalisay bilang Tsapsuy at Halimaw ni Dr. Frankenstein: Isang Pagbabalik-tanaw ng Mandudula
De/Mitolohisasyon ng Aswang: Isang Pagbasa(g) sa Mito Bilang Sakit ng Lipunan
1986 nang magsimula ang tambalang Lore Reyes at Peque Gallaga sa pagpapalabas ng mga kwentong bayan at katatakutan sa pelikula. Tumabo sa takilya ang mga idinerehe nilang installments ng Shake Rattle and Roll (1990-1992); Aswang (1992); Hiwaga sa Balete Drive (1988) at marami pang iba. Tinatangka ng papel na ito na isalang sa pagsusuri ang pelikulang Sa Piling ng mga Aswang (1999) nina Reyes at Gallaga. Babalangkasin ng mga mananaliksik ang agapayan ng mga katangian ng aswang sa pagitan ng imahen nito batay sa katutubong paniniwala at imahen nito sa pelikula at sa kung paanong mayroong intertekstuwalidad ng kasaysayan, lipunan, at modernidad ang mga ganitong teksto. Sisipatin ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na hati: una, ang mito ng aswang; ikalawa, ang aswang bilang idiyosingkrasya; at ikatlo, ang pangangaswang sa pelikula at lipunan. Sa kabuuan, isinasalang ng mga mananaliksik ang pelikula sa pagbasa na ang aswang ay manipestasyon ng panlipunang kanser sanhi ng kultura ng takot at pananakot sa Pilipinas.unang ipinasa: 15 Oktubre 2020tinanggap para sa publikasyon: 25 Nobyembre 202
Ang Parusa at Gantimpala Ayon sa Inogtula’neng Tibor
Ang kuwentong-bayan ay maaaring pagsusumbong, pagsasalaysay, o pagkukuwento ng isang pangyayari, kaalaman, o minsan ay karanasan. Kadalasang ang mga karanasan ay nasaksihan na ng kapwa katutubo, ngunit patuloy pa rin itong ikinukuwento sa kapwa katutubo. Kadalasang nagsisilbi itong pamunat sa nakauumay napag-uulit sa pang-araw-araw na mga gawain, o ‘di kaya ay libangan lamang. Sa mga Tagbanuang Tandula’nen, hindi lamang sinasaklaw ng kanilang inogtula’nen o kuwentong-bayan ang mga nabanggit na kahulugan, lumalagpas pa ito sa inilahad na tungkulin ng oral na tradisyon. Sa papel na ito, makikita ang kakaibang tungkulin ng inogtula’nen na humuhulagpos sa tradisyunal na pag-uulit ng kuwento bilang tradisyon. Binabago, ngunit idinudokumento ng inogtula’neng Tagbanua ang sarili nitong kuwento gamit ang tibor. Mula rito, ginugunita niya ang kaniyang karanasan bilang inogtula’nen ng nakaraan, kasabay ng pagbabalik nito sa kaniyang tungkuling panlipunan sa kasalukuyan. Ang mga tungkuling ito ay maaaring ekonomiko o tungkuling mahikal na tinukoy bilang PARUSA at GANTIMPALA. Gamit ang mga parusa at ganimpalang ito, kumikilos ang mga Tagbanuang Tandula’nen upang isakatuparan ang mga tungkuling itinakda ng tibor sa kanilang lipunan. Ang sino mang hindi sumunod ay parurusahan at tatanggap ng gantimpala ang sino mang tumatalima nang may paggalang—noon, ayon sa mga kuwentong-bayang tibor ng mga Tagbanuang Tandula’nen
Ang Manlilikha para sa Taumbayan
Kapalit ng isang akademikong papel, nandito ang anyo ng talumpati upang magsilbing lunsaran ng kritikang panlipunan. Iginigiit ng may-akda ang patuloy na halaga at bigat ng kamalayang panlipunan bilang pundasyon ng pagkatha ng sining at panitikan. Binabalikan dito ang tagisan ng mga paniniwala sa sining para sa Sining, at sining para sa pagbabagong panlipunan upang tasahin ang mga kontemporanyong katha ng mga imaheng estatiko (pintang matalinghaga, komiks, eskultura, effigy) o gumagalaw (sayaw, pelikula), ng tunog (musika), o ng salita (panitikan, titik ng awit), o ng pagsasama-sama ng mga ito (teatro). Nililinaw ng may-akda ang kahulugan at nagbibigay ng mga halimbawa ng pagkatha para sa pagbabagong panlipunan sa konteksto ng globalisadong lipunan ngayon