Ateneo de Manila University: Journals Online
Not a member yet
2140 research outputs found
Sort by
Hannah Arendt on Educational Thinking and Practice in Dark Times: Education for a World in Crisis Wayne Veck and Helen M. Gunter, Eds.
Plantita
Isang nausong neolohismo ang “plantita” ngayong 2020 sa gitna ng COVID-19 quarantine. Pinaghalong “plant” at “tita” ang terminong “plantita” na ginagamit bilang pantukoy sa mga babae, na namumuhunan ng oras, tiyaga, at pera sa pangongolekta at pangangalaga ng mga halaman. Nakababawas ng stress at pinagtitibay raw nito ang pagkamakakalikasan. Subalit, lalong nakasisira ang kulturang ito sa biodibersidad, lalo na sa natural na paglaganap ng mga halaman. Sa patuloy na pagtaas ng demand, pinagtuonan ng pansin ng mga nagbebenta ng halaman ang plant poaching bilang paraan para kumita nang mabilisan sa gitna ng economic recession na dulot ng pandemya. Dahil dito, nanganganib ang mga ecosystem at mga halamang bihira nang makita. Kasabay nito, nagtaas na rin ng presyo ang mga supplier at mga negosyante, at nagiging resulta nito ang pagiging eksklusibo ng mga halaman sa mayayaman at may-kaya. Ang paggamit naman ng mga artista at influencer sa social media upang ibida ang kanilang mga mamahalin at hindi pangkaraniwang mga halaman marahil ang lalong nag-udyok sa karamihan na maging interesado sa kultura ng paghahalaman dahil sa pagiging status symbol nito. Karaniwang ginagamit ang katawagang “plantita” bilang simbolo ng pag-angat sa hirarkiya ng lipunan. Binibigyang-diin nito ang lumalaking agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. Mas lalo nitong inihihiwalay ang mga taong may kakayahang maglaan ng malalaking halaga ng salapi para magkaroon at mag-alaga ng mga mamahaling halaman na ipinapalamuti lamang sa loob ng kanilang mga tahanan, pati na rin sa kanilang mga social media, sa mga miyembro ng lipunan na mas pinipiling pagkakitaan na lamang itong trend na ito, at ilaan ang kanilang kita para sa mga pangunahing pangangailangan.unang ipinasa: 21 Nobyembre 2020tinanggap para sa publikasyon: 3 Disyembre 202
#DuterteStandardTime: Pamamahalang Pamanahon
Tinatangka ng pag-aaral ang isang panimulang suri sa kasalukuyang rehimen nang may partikular na tuon sa paggana dito ng panahon. Mula sa pagpapahalaga sa “Filipino time” bilang isang maaaring paraan ng paggigiit sa kapangyarihan, bumabaling ang pag-aaral sa mga tula na tuwirang ibinibigkis ang Pangulong Rodrigo Duterte sa dalumat ng panahon, upang maipakita kung papaanong sa kabila ng wari pagiging karaniwan niya ay ang kanya ring di-pangkaraniwang kakayanang “haltakin” ang “karaniwang oras.” Nagiging kritikal ang nasabing kapangyarihan, lalo na sa kasalukuyang kalagayan ng pandemya, kung kailan hindi maitatangging “time is of the essence.” Gayunpaman, tulad na rin ng nahihiwatigan mula sa mga maligoy na pag-uulat ng pamahalaan at tangkang “tulang” kritika hinggil sa administrasyon, nalilirip na wari wala pa rin naman talagang anumang nangyayari, animo nakatigil ang panahon sa Pilipinas, hindi lang dahil sa katotohanan ng kasalukuyang pandemya, kung hindi dahil na rin sa “pare-pareho at hungkag” na pangako ng paparating na pagbabago.unang ipinasa: 24 Nobyembre 2020tinanggap para sa publikasyon: 8 Disyembre 202
Ang Mga Mumunting Ginto sa Dulang: Isang Pagbasa sa Dulang: Dyornal Ning Pagsurat Catandunganon
Ang Dalumat ng Lugar sa Panahon ng Pandemya: Isang Kritikal na Pagsusuri sa Imahen ng Lungsod at ng Probinsiya sa Konteksto ng mga Panitikang Ilokano at Cebuano
Noon, ang galaw o migrasyon ng mga tao ay papunta sa siyudad sapagkat may dati nang paniniwala o nosyon ang mga Pilipino na higit na makatatagpo ng mas magandang buhay ang pagluwas dito kaya’t pinipiling lisanin ang pinagmulang probinsiya. Tinalakay ni Lilian Tragger sa kaniyang pag-aaral ang ganitong migrasyon ng mga tao at matatagpuan naman sa pagsusuri ni Gerard Delanty sa normatibo at kritikal na kosmopolitanismo ang ganitong pananaw sa mga lungsod. May umiiral nang pagtingin sa siyudad bilang lugar ng kaunlaran at kalakasan samantalang lugar ng kahinaan at kahirapan ang sa probinsiya. Ngunit sa kasalukuyan, dahil sa mga pangyayaring bitbit ng COVID-19, may nagaganap na komprehensibong pagbabaliktad ng ganitong imahen o relasyon ng siyudad at probinsiya, o ng rural at urban. Kung kaya, nilalayon ng papel na ito na suriin at siyasatin ang ganoong mga pagbabaliktad ng imahen ng siyudad at probinsiya sa konteksto ng mga panitikang Ilokano at Cebuano. Sa ganoong pagsusuri, matutunghayan dito kung paanong dahil sa pandemyang dumating sa bansa ay nagiging lundayan ng kaligtasan ang mga probinsiya na dating tinitingnan bilang atrasado, at nagiging lugar ng kapahamakan ang mga lungsod, na dating tinitingnan bilang nakauungos. Babalikan dito ang napakalalim na kasaysayan ng pagbuo ng gayong imahen ng lugar na nalikha na sa panitikang Ilokano noon pa lamang na nagpasimula ang paglilimbag ng kanilang mga kauna-unahang tula. Ngunit kasabay ng ganoong pagtingin, makikita rin kung paanong nagkakaroon ng lamat sa kamalayan ng mga umuuwi sa probinsiya mula sa lungsod sapagkat sa halip na kapanatagan ay nakararanas ng diskriminasyon. Sa pagsasakonteksto sa panitikang Cebuano, higit na masisiyasat kung paanong nagtatamo ng mga ganoong hindi inaasahang pagbabaliktad ang mga umuuwi sa kanilang lugar at kung paanong nagbabago ang gayong mga imahen ng probinsiya at lungsod sa ating pagmamalay sa panahon ng pandemya.unang ipinasa: 6 Nobyembre 2020tinanggap para sa publikasyon: 5 Disyembre 202
CREATING SUSTAINABLE BUSINESS: HOW DOES IT HAPPEN?: An Exploration of Motivators & Facilitators in Three Organizational Settings in the U.S.
Despite the fact that serious concerns regarding the deterioration of the environment and natural resources have been voiced for decades, current business and organizational approaches toward sustainability remain inadequate and substantially unsustainable. An important research question, therefore, has to do with understanding how to make positive behavior more prevalent in the face of many urgent global challenges. Newer business and organizational models that are significantly moving toward sustainability, for instance, serve as remarkable examples of such. What can we learn from them? This study seeks more specific answers to this broad question. How are modern organizations motivated to embrace sustainability initiatives in a genuine manner? How have they created their sustainable business models? How do they continue to sustain the initial momentum? What are the key factors that assist in the implementation of sustainability strategies? Lastly, how are they defining and achieving sustainability success? Answers to these questions were sought through an inductive and qualitative case research design that explored three quite different organizational settings, each pursuing sustainability objectives with advancing success and yet finding its own way in very different environments based on industrial, regulatory, and cultural influences. Nevertheless, several general characteristics seemed to accrue across organizational and industrial divides. A model for sustainability management, derived from the lessons learned in this study, is thus proposed.