1,643,335 research outputs found
Ang Pagsusunong ng Pupuwa ng Kababaihang Gaseña
ABSTRAKIsang mahalagang tradisyon ang isinasagawa ng kababaihan tuwing Semana Santa sa Gasan, Marinduque: ang pagsusunong ng pupuwa. Katuwang ang iba pang mga namamanata sa kani-kanilang anyo ng pagdarasal at pagluluksa, sunong-sunong ng mga babaeng deboto ang pumpon ng mga dahon ng pupuwa sa kanilang ulo, nagdaramit ng itim at maluwang na damit, nagtatanggal ng sapin sa paa, at lumalahok sa prusisyong idinaraos tuwing Biyernes Santo. Maiuugnay ang tradisyon sa sinibulan nitong mga panrelihiyong institusyon, ang mga simbahang Romano Katoliko at Iglesia Filipina Independiente; dalawang nagtatalabang institusyong Kristiyano na masasabing nakatagpo ng kaisahan sa naturang tradisyon. Sa pamamagitan ng mga nakalap na panayam, mahihinuha ang ilang konseptong nakapaloob sa panata tulad ng pagtatambal ng pagsisisi at paghiling, indibidwalistikong pamamanata, at pagsasalin ng tradisyon sa kasunod na salinlahi. Maipopook ang pagsusunong ng pupuwa sa mga tradisyon at pakahulugan na umuugat pa sa panahong prekolonyal. Dagdag pa, ibinabahagi rin sa mga pananaliksik at diksiyonaryong botanikal ang pagkakatala, gamit, at pakinabang ng halamang pupuwa (Polyscias fruticosus (L.) Harms) sa mga pamayanan tulad ng Gasan. Sa kabuuan, hindi maaalis sa mayamang kultura at pagkakakilanlan ng Gasan ang natatanging ambag ng pagsusunong ng pupuwa ng kababaihang Gaseña.Mga susing salita: Pagsusunong ng pupuwa, kababaihan, Gasan, Marinduque, tradisyon, pamamanata ABSTRACTDuring the Holy Week in Gasan, Marinduque, women observe an important tradition: the pagsusunong ng pupuwa (bearing of pupuwa). Along with other Christian believers performing their own prayers and acts of mourning, the women devotees carry on their heads a crown of pupuwa leaves while wearing loose black robes and walking barefooted as they partake in the Good Friday procession. This tradition can be connected to the two religious institutions where it has been practiced, the Roman Catholic Church and the Philippine Independent Church; two interrelated Christian institutions that found unity in the said tradition. Through interviews, one may extract some concepts embedded within the said devotion, such as the duality of repentance and wishing, individualistic devotion, and the passing of the tradition to the next generation. The bearing of pupuwa can be located within the traditions and meanings that root back to the precolonial period. Moreover, one may find in the botanical studies and dictionaries the documentation, function, and benefits of the pupuwa plant (Polyscias fruticosus (L.) Harms) to communities such as Gasan. Overall, the bearing of pupuwa by the Gaseña women significantly contributes to the rich culture and identity of Gasan.Key words: Bearing of pupuwa, women, Gasan, Marinduque, tradition, devotio
Kumbatihan ng Lunan: Talabtaban ng Pag-iral sa Calvario ng Mauban
Iba’t iba ang gamit ng pook - pang-ekonomiya, lipunan, pulitika o ideolohiya, na maaari rin namang kumbinasyon ng dalawa o lahat na. Ang mga gamit ng pook, dapat namang mabatid, ay hindi nangyayari sa kawalan. Bahagi sila ng mahabang prosesong historikal. Ang kanilang gamit ay manipestasyon ng diskursibong pakikipagtalabtaban ng tao sa nag-iiba-ibang agos ng kasaysayan at mga materyal na pwersang panlipunan. Kasalikop din sila ng pagmamarka ng tao ng kanilang kairalang ‘panghabang panahon’ sa mundo ng di masupil na pag-inog at pagkilos, ng nakagugulantang na mga kapanandalian. Kaya naman,ang mga kapookan ay pagsuysoy din sa mga lunan na magkakasalikop at umiibabaw sa bawat isa - heterotopia. Sa madaling salita, proyekto ng artikulong ito na basahin ang Calvario, isang popular na pook-pasyalan sa Mauban, Quezon, sa katulad na pagpapalagay sa kairalan ng pook at lunan upang itampok ang kaniyang kakanyahang pangheterotopia at ugnayan sa mga prosesong historikal. Ang artikulong ito ay tungkol din sa kasasayan ng Mauban, na pinalutang mula sa pag-iral ng iba-ibang lunan sa iisang pook. Papaksain ng artikulong ito, kung magkagayon, ang pagsasalunan ng lokal na kasaysayan, pagsasapook ng samu’t saring naratibo sa iisang istrukturang pampubliko at kung magkagayon ay pakikibahagi sa pagigiit ng kritikal na perspektibong panlipunan sa kontemporaneong panlipunang teorya at pagsusuri. Mga susing salita: alamat, heterotopia, kasaysayang lokal, lunan, modernidad, pasyalang pangturismo, pook Places are used for various reasons whether they be economic, social, political or ideological or a combination of two or all of them. Such uses of place, however, do not happen in a vacuum. They are a part of long historical processes. Their uses are a manifestation of the people’s discursive engagement with differing currents of history and material forces and their ways of stamping their ‘permanence’ in an otherwise world of unmitigated flux, of unsettling impermanences. Thus, places are also about spaces that overlap each other or present some alternate ordering called heterotopias. This paper reads Calvario, a popular town landmark in Mauban, Quezon, along that vein to highlight its heterotopic qualities and engagement with historical processes. In a number of ways, this article is about the town’s history, evoked through the presences of multifarious spaces in one place made by the town’s inhabitants through the years. This article therefore is all about spatializing local history, emplacing varied narratives into one material structure, and thus, contributing to the reassertion of critical social perspective in contemporary social theory and analysis.   Keywords: heterotopia, legend, local history, modernity, place, space, tourist spo
Si Kenkoy Bilang Kuwelang Ingles sa Komiks: Isang Pagdalumat sa Karabaw English Bilang Instrumento ng Pagsulong ng Makabayang Diwa sa Panahon ng Kolonyalismong Amerikano; 1929-1934
AbstrakAng tinaguriang “Carabao English” ay inilalarawan bilang isang katawa-tawa at hindi kanais-nais na paraan ng komunikasyon. Kinikilala ito bilang paaran ng pilit na paglakip sa dayuhang wika kung saan nagkaroon ng korupsiyon (sariling maka-Pilipinong pagbabaybay) ang wikang Ingles dahil sa naging paghahalo nito sa wikang Filipino. Tatangkain ng papel na ito na matunton ang naging paggamit sa “Carabao English” na mababakas sa mga diyalogo na inilarawan ni Tony Velasquez sa kaniyang likhang-sining na Kenkoy Komiks. Si Kenkoy ang kumatawan sa ‘kuwelang Ingles’ na sa unang pagtingin ay katawa-tawa ngunit kung bibigyan ng malalim na pagsusuri ay nagpapahiwatig ng mga makabayang aral at mga tunggalian sa isang kolonyal na lipunan. Ang layunin ng pag-aaral ay mabigyan ng masusing pagtalakay at masuri ang mga simbolismong pumapaloob sa Kenkoy Komiks na makikita sa ilustrasyon at mga linya nito. Bukod pa rito, layunin ding mabigyang-linaw at maisakonteksto ang nilalaman ng sining ng pagguhit at wikang “Carabao English” sa ilalim ng pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas at ang papel at paggamit ng nasabing wika sa layunin ng may-akda upang maisulong ang kaniyang mithiing pagkabansa. Matutunghayan mula sa pag-aaral ang pagtugon at ang pakikipagtunggali ng lipunang Pilipino sa panahon ng mga kultural na pagbabago sa dagok ng kolonisasyon mula sa komiks. Iminumungkahi ng pag-aaral na nagkaroon ng proseso ng akulturasyon sa wika kung saan sinasalamin nito ang pag-angkin ng lipunang Pilipino sa mga dayuhang elemento, ngunit nagkaroon ng pagtatakip upang maipagpatuloy ang diwang makabayan sa kabila ng kaayusang kolonyal na pinatatakbo ng Estados Unidos sa bansa. Mga Susing Salita: komiks, Carabao English, Kenkoy, patriotismo, wika Kenkoy’s Humourous English in Comics: An Analysis on the use of “Carabao English” as an Instrument of Advancing Patriotism under the American Colonial Period; 1929 – 1934 Abstract“Carabao English” is portrayed as a farcical and an unfavorable means of communication. It was known to caused by an enforced adherence to the use of a foreign language wherein it formed a ‘corrupted version’ (based on the Philippine enumeration) of the English language due to its contact and mixing with the Filipino language. This paper aims to trace the usage of “Carabao English” based on the dialogues in Tony Velasquez’ Kenkoy Komiks. The main character, Kenkoy, embodies the use of “Humourous English” which at first glance may seem laughable however under thorough analysis implies patriotic values and underscores the struggles of Filipinos under a colonial society. The purpose of this study is to highlight and contextualize the use of “Carabao English” under the American colonial period in the Philippines and its use by the author in order to achieve nationhood. The dynamics of response and conflict within the Filipino society under a period of cultural change brought about by a new colonial era based on the comics, can be seen from the study. The study proposes that language underwent a process of acculturation where it reflects a gradual acceptance of foreign cultural elements within the Filipino society but nevertheless, became instrumental in promoting patriotism by serving as an alternative expression of continued resistance to American colonial rule.Keywords: comics, Carabao English, Kenkoy, patriotism, languag
Artemio Aranas: Panukalang Salin sa Filipino ng Isang Sugilanon ni Vicente Rama at ang English Translation Dito ni Rudy Villanueva
ABSTRAKAng “Artemio Aranas” ay isang maikling kuwento (sugilanon) sa Sugbuanong Binisaya na inakda ni Vicente Rama, kuwentista, peryodista, at politiko mula Cebu. Isinalin ang “Artemio Aranas” sa Ingles ni Renato Madrid, ang sagisag-panulat ni P. Rodolfo Villanueva, at kasama sa mga salin na inilabas sa isang kalipunan noong 2003. Nakapaloob ang kuwento sa kontekstong historikal ng epidemya ng kolera na tumama rin sa Cebu at ibang bahagi ng Pilipinas noong unang dekada ng siglo 20. Iyan ang tatalakayin sa unang bahagi ng papel. Mapapansin sa naratibo ang tunggalian ng tradisyonal na paniniwala at ng mga “bago” noong konsepto na hatid ng medisinang Kanluranin na dinala ng mga mananakop noong Amerikano. Bukod pa rito ang tunggalian sa pagitan ng nakatatanda at mga kabataan, sa loob ng mga pagbabago sa politika, mga wikang opisyal, at kultura sa kapuluan. Kapansin-pansin din ang pagpaksa ng kuwento sa maling pagpapalaganap ng impormasyon umano ng ilang pahayagan sa Cebu at ang pagmamatigas ng ilang mamamayan ng bayan sa harap ng isang epidemya. Ipinapanukala ng may-akda ang salin sa Filipino ng kuwento upang higit na maipaabot sa mga mambabasa na walang access sa orihinal na Sugbuanong Binisaya o saling Ingles. Babanggitin din ang ilang suliranin at siwang sa pagsasalin, lalo na at may mediasyong isinagawa ang Ingles sa pagsasaling ito.Susing salita: Vicente Rama, salin, kathang pangkasaysayan, kolera ABSTRACT“Artemio Aranas” is a short story or sugilanon in Sugbuanong Binisaya. It was written by Vicente Rama: fictionist, newspaper editor, and politician from Cebu City, Cebu. “Artemio Aranas” was translated into English by essayist-fictionist Renato Madrid (nom de plume of Fr. Rodolfo Villanueva) and was among those rendered into that language in a compilation of Rama’s works released in 2003. The short story was situated during one of the cholera epidemics that hit Cebu in the 1900s. That context will be discussed in the first part of the paper. One can notice in the narrative the tensions between “modern, scientific” knowledge in medicine that were brought by American occupiers and the traditional beliefs being held by the Cebuanos during at that time. There were also tensions between the “older” and “younger” generations that broke out amid the political, cultural, and lingustic changes raveling in the archipelago during those times. “Artemio Aranas” also features the perceived misinformation by some newspapers in Cebu on the epidemic and the bull-headedness of some people in that capital of Cebu province. This author recommends a Filipino translation of “Artemio Aranas” in order to make the story more accessible to readers who do not have a copy, either of the Sugbuanong Binisaya original or of the English translation. The challenges in making this translation will also be mentioned. Keywords: Vicente Rama, translation, historical fiction, choler
Pagtatanghal ng Tulang Akeanon: Papel ng Vernakular sa Pag-akda ng Pambansang Panitikan
Bilang vernakular, ang tulang Akeanon ay kailangang itanghal upang mabasa at mabigyang-puwang sa pambansang panitikan. Gamit ang pagbasang kultural na nakaangot sa konseptwalisasyon ng “pambansang panitikan” nina Bienvenido Lumbera at Rolando Tolentino, tatangkaing ipalabas ng papel ang mga nilupig na kaalaman (subjugated knowledges) at praktis sa pamamagitan ng pagpapalitaw ng panitikang oral (hal., epiko at hueobaton) at paglulugar ng tulang Akeanon sa kolonyal na kultura. Haka-haka ng papel na sa kabila ng paggamit ng Pormalismo, ang mga tulang Akeanon ay mayroon pa ring bahid (trace) ng panitikang oral at katutubong kultura na siyang pinaghahanguan ng mga talinghaga para sa pagbabalikwas at pag-aalsa laban sa dominanteng uri, kasarian at lahi. Ang tulang Akeanon, higit sa “pagkilala” at “pag-iisa” sa kasaysayan at kulturang pambansa, ay nagsusumikap ring mag-akda ng sariling posisyonalidad sa diskurso ng pambasang panitikan.Mga susing salita: vernakular, panitikang oral, pambansa, pambansang panitikan, nilupig na kaalaman, lingua francaAkeanon poetry as vernacular needs to be foregrounded for it to have a space in the national literature. Using cultural studies and Bienvenido Lumbera and Rolando Tolentino’s concept of “national literature,” this paper attempts to show the subjugated knowledges and practices by foregrounding oral literature (eg. epic and proverbs), and positioning Akeanon poetry in the colonial culture. This paper proposes that despite the use of Formalism, Akeanon poetry still has the trace of oral literature and native culture, where metaphors are mined to subvert and rise against the dominating class, gender, and race. Akeanon poetry, more than “identifying” and “uniting” with history and the national culture, tries to write its own positionality in the discourse of national literature.Keywords: vernacular, oral literature, national, national literature, subjugated knowledg
Komparatibong Pagsusuri ng Applicative/Causative Marking ng Bahasa Indonesia at Morphological Focus Marking ng Tagalog
Abstrak
Tatangkain ng papel na ito na suriin ang estruktura ng mga verbal sentence ng Bahasa Indonesia na naglalaman ng mga hulaping applicative/causative na -kan at -i mula sa pananaw ng morphological focus system na siyang ginagamit naman sa paglalarawan sa Tagalog, isang Philippine-type na wika. Samantalang ang masalimuot na verbal morphology ng mga wikang Philippine-type ang tumutukoy sa complement na nagsisilbing grammatical subject, ang mga hulaping -kan at -i sa isang Indonesian-type na wika gaya ng Bahasa Indonesia ang naghuhudyat (trigger) sa pagpili ng direct object ng verbal predicate. Mula rito at sa datos na nakalap mula sa iba’t ibang teksbuk at panayam sa mga informant, tatangkain ng pag-aaral na ito na tingnan ang mga posibleng magkakatumbas na kayarian sa pagitan ng grammatical-subject marking ng Tagalog at direct object-marking ng Bahasa Indonesia, at tatalakayin ang implikasyon nito sa pagtuturo ng Bahasa Indonesia sa mga tagapagsalita ng Tagalog, at maging sa pagsasalin mula sa Bahasa Indonesia patungong Tagalog at vice versa.
Mga Susing Salita: Bahasa Indonesia, Tagalog, applicative/causative, focus marking, comparative linguistics
Abstract
This paper attempts to analyze the structure of Indonesian verbal sentence containing the applicative/causative suffixes -kan and -i from the perspective of the morphological focus system used in describing Tagalog, a Philippine-type language. Whereas the complex verbal morphology in Philippine-type languages indicates which complement serves as the grammatical subject, the suffixes -kan and -i in an Indonesian-type language such as Bahasa Indonesia trigger the choice of the direct object of the verbal predicate. With these in mind and gathering data from the different pedagogical textbooks and informant work, this study aims to look at the possible equivalent structures between the grammatical-subject marking of Tagalog and direct object-marking in Indonesian, and to discuss their implications for teaching Indonesian to Tagalog-speaking learners as well as doing translation work from Indonesian to Tagalog and vice versa.
Keywords: Bahasa Indonesia, Tagalog, applicative/causative, focus marking, comparative linguistic
Pag-aakda ng Isla ng Panay Bilang Pook ng Paglaban: Ang mga Binalaybay ni Mayamor / Maya Daniel / Roger Felix Salditos
AbstrakLayunin ng artikulo ko na ipakilala sa mga iskolar at mambabasa ng panitikan ng Pilipinas si Roger Felix Salditos (1958-2018), isang rebolusyonaryong martir, pintor at manunulat mula sa Kabisayaan na mas kilala sa kaniyang mga sagisag-panulat na Mayamor at Maya Daniel. Dahil sa kaniyang bokasyon bilang rebolusyonaryo na kumilos pangunahin sa kanayunan ng Isla ng Panay, mababasa lamang sa mga publikasyon ng kilusang rebolusyonaryo ang kalakhan ng mga sulatin ni Salditos. Ibinabahagi ng aking artikulo ang ilang datos hinggil sa buhay ni Salditos at historikal na naratibo ng rebolusyonaryong pakikibaka sa Isla ng Panay na kaniyang kinilusan sa loob ng apat na dekada. Sinusuri ko ang kaniyang mga binalaybay na inilathala sa koleksiyong 50: Mga Binalaybay ni Roger Felix Salditos (Mayamor / Maya Daniel) (2020) upang ilahad ang katangian ng mga ito bilang mga aktibong interbensiyon sa pag-aakda sa Isla ng Panay bilang isang natatanging pook ng paglaban ng mga masang anakpawis na manggagawa, magsasaka, at katutubong Tumandok. Samakatwid, mababasa sa kaniyang mga binalaybay kapwa ang pag-uugat sa mga lokal na praktika, kaalaman, at wika at ang pagdurugtong ng mga ito sa isang pambansa at internasyonalistang rebolusyonaryong simulain. Tinutugunan, sa gayon, ng paglathala ng salin ni Kerima Tariman sa mga tula ni Maya ang pagsasantabi ng isang mahalagang tinig na kumakatawan sa talaban ng katutubong pampanitikang tradisyon at mapagpalayang simulain ng kilusang rebolusyonaryo sa kanayunan ng Kabisayaan. Mga Susing Salita: Roger Felix Salditos, Panitikang Pilipino, Panitikang Hiligaynon, Isla ng Panay, Tumandok Abstract My article aims to introduce Roger Felix Salditos (1958-2018), a revolutionary martyr, painter, and writer from the Visayas who is better known by his pen name Mayamor and Maya Daniel, to scholars and readers of Philippine literature. For a long time, Salditos’ writings can only be read in the publications of the revolutionary movement because of his vocation as a revolutionary who has been active in the countryside of Panay Island. My paper presents some facts about the life of Salditos and the historical narrative of the revolutionary struggle in Panay Island which he was involved in for four decades. I analyze his poetry published in the collection 50: Mga Binalaybay ni Roger Felix Salditos (Mayamor / Maya Daniel) (2020) as active interventions in the writing of Panay Island as a particular terrain of resistance by toiling masses of workers, peasants, and indigenous Tumandok. In conclusion, I read in his poetry both a rooting in local practice, knowledge, and language and their linking and raising to a national and internationalist revolutionary project. The publication of Kerima Tariman’s translation of Maya’s poetry thus addresses the marginalization of an important voice who embodies the mingling of indigenous literary tradition and the emancipatory vision of the revolutionary movement in the Visayan countrysides. Keywords: Roger Felix Salditos, Kerima Tariman, Philippine Literature, Hiligaynon Literature, Panay Island, Tumando
Ang Pagiging Deboto Bilang Pakikipagkapwa: Isang Panimulang Pagsusuri sa mga Liham Pasasalamat ng mga Deboto ng Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran
Ang pagsusulat ng mga liham-pangkahilingan (petition) at pasasalamat (thanksgiving) ay isa sa mga pangunahing gawain ng mga deboto sa Pambansang Dambana ng Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran, Lungsod ng Parañaque. Bilang isang tanda ng popularidad ng uri ng debosyong ito, ang Pambansang Dambana ay nakatatanggap ng humigit-kumulang 2,500 na mga liham sa loob ng isang linggo. Sa papel na ito ay itinuturing ang pagiging deboto bilang isang anyo ng pakikipagkapwa. Batay sa malapitang pagbabasa ng mga liham, makikitang tampok sa mga deboto ang pagka-Ina ni Maria na nagdudulot ng isang pakikipag-ugnayan sa isang itinuturing na “hindi ibang tao” at paghingi ng biyaya mula rito. Ang mga dalumat na ito ay makapagbibigay ng mga panimulang kaisipan sa pag-unawa ng kahalagahan ng paniniwala sa pang-araw-araw na buhay sa pamamagitan ng paglulugar ng pagiging deboto sa konteksto ng pagkatao at kulturang Pilipino. Mga Susing Salita: biyaya, debosyon, kapwa, paniniwala, relihiyong popular The writing of petition and thanksgiving letters is an important acts of the devotees at the National Shrine of Our Mother of Perpetual Help in Baclaran district, Parañaque City. The shrine receives around 2,500 such letters weekly, indicating the popularity of the devotion. In this paper, I regard the devotional relationship as a form of pakikipagkapwa. A close reading of the letters reveals the deep relationship of the devotees with Mary as a mother-figure, indicating a mode of relationship with hindi ibang tao (near others). This is especially manifested in the devotees’ notions of blessing, which provides conceptual trajectories in assessing the importance of belief in everyday life in ways that appeal of Filipino notions of personhood and culture. Keywords: belief, blessing, devotion, kapwa, popular religio
Ang Salitang Dula: Talinghaga ng Di-nasupil na Diwa ng Paglaya
Bahagi ng pagkilatis ng mga tampok na katangian ng dulang Pilipino, inilalatag sa pag-aaral na ito ang dalumat ng salitang dula bilang isang tanda ng paggiit ng kasarinlan at pambansang identidad. Sa paglulugar ng salitang dula sa dantaong labingsiyam, isinusulit sa pag-aaral na ito ang pagkilala sa katangian ng dulang dinadanas, isinasatunog, isinasalita at ikinikilos at ang ugnayan ng mga pangyayaring pangkasaysayan sa pagkakabansag dito bilang dula mula sa kinikilalang tula na pinakatampok na tanda ng pag-iral ng dula. Sa pagsisinop sa kasaysayan, sipi ng mga dulang sedisyoso,mga talasalitaan at paraan ng pagbuo ng mga salitang may kinalaman sa dula, inilalatag ang pagkilala sa gamit ng salitang dula bilang tanda ng tampok na karanasang geograpikal at pangkasaysayan Na nagbibigay ng katangi-tanging kilatis sa dulang Pilipino. Mga susing salita: dula, tula, sedisyoso, salita, tanda, kasarinlan, talinghaga As part of a continuing search for the distinct qualities of Philippine theater, this study discusses the concepts in the word “dula” as a sign of sovereignity and national identity. In locating the word “dula” in the 1900’s this study observes the qualities of local theater as experience translated into sound,words and actions and the complex historical backdrop leading to the term dula from the word tula which was then the most distinct mark of theater. Through a critical study of historical events, texts from seditious drama and early poetic texts, vocabulary listing of words related to “dula” , the term is positioned as a fitting mark of the country’s geographical and historical events which has given rise to the term “dula.” Keywords: theater, poetry, seditious, word, sign, sovereignty, trop
Potensiyal ng Kadagaan sa Pakikibaka para sa Lupa: Danas ng Hacienda Sta. Isabel at San Antonio
ABSTRAK
Nilalayon ng papel na unawain ang konseptong “kadagaan” ng mga migranteng Ilokano sa kanilang paglipat sa Ilagan, Isabela nang mahikayat ng mga administrador ng Tabacalera na magtatrabaho sa Hacienda Sta. Isabel at San Antonio simula 1881. Sa kabila ng mahirap na kalagayan sa mga plantasyon ng tabako, pinanghawakan ng mga tenant ang pangakong mapapasakamay nila ang pinagpapagurang lupa pagsapit ng 1981, ang ika-100 taon ng Tabacalera sa Pilipinas. Nagpasalin-salin ang ganitong naratibo mula sa mga ninunong Ilokano na unang nagtrabaho sa mga asyenda hanggang sa mga sumunod na henerasyon. Gayunman, hindi ito nagkaroon ng katuparan dahil sa halip na ipamahagi ang mga lupain sa mga magsasaka, ibinenta ng kompanya ang mga asyenda sa korporasyong ANCA na pagmamay-ari ni Eduardo Cojuangco, Jr. noong 1980. Sa gitna ng panganib na maagaw ang mga lupaing pinagpaguran nila at ng kanilang mga ninuno, masisilayan ang potensiyal ng konseptong “kadagaan” sa pagtatanggol ng mga magsasaka sa halaga ng lupa at pagpapagal.
Mga Susing Salita: kadagaan, Tabacalera, ANCA, repormang agraryo, Danding Cojuangco
ABSTRACT
The paper aims to understand the concept of “kadagaan” in the context of Ilocano migration to the town of Ilagan, Isabela in 1881 when they were recruited by Tabacalera administrators to work in the tobacco plantations of Hacienda Sta. Isabel and San Antonio. Despite experiencing harsh conditions, the tenants held on to the promise that the lands would be given to them on 1981 - Tabacalera’s 100th year in the Philippines. The narrative of promise was passed on from generation to generation but was not fulfilled. In 1980, instead of distributing the lands to the tenants, Tabacalera sold the haciendas to ANCA corporation owned by Eduardo Cojuangco, Jr. In the face of losing what they and their ancestors worked for for a century, the farmers would realize the potential of “kadagaan” in fighting for land and labor.
Keywords: kadagaan, Tabacalera, ANCA, agrarian reform, Danding Cojuangco
 
- …
